FIGHT NO MORE

484 12 0
                                    

"Please, ako na lang, Lysse! Please ako nalang! Nagmamakaawa ako...."

Hindi ko maramdaman ang tibok ng puso ko habang nakikita ko siyang nagmamakaawa sa iba at nanlilimos ng pagmamahal.

Mula rito, nakikita ko ang luha sa kanyang mga mata habang papalayo ang babae mahal niya. Naiwan itong nakaluhod, hawak-hawak ang isang pumpon ng bulaklak.

Hindi ko alam kung ilang beses ko bang pinag-isipan kung lalapit ba ako o hahayaan ko na lang siya. Pero tulad nga ng sabi ng iba, traydor ang puso. Ilang beses mang tumutol ang isip ko, alam kong lalapit at lalapit pa rin ako sa kanya.

Mabagal akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Tinabihan ko siya at umupo sa bench dito sa park.

Luminga-linga ako sa paligid at napansing napakaaliwalas ng araw na ito. Payapa sana ang paligid kung hindi ko nga lang naririnig ang hikbi nitong katabi ko. Nilingon ko siya.

"Sabi ko naman kasi sayo, ako nalang. Kung ako nalang sana ang pinili mo, hindi ka umiiyak ng ganyan," sinubukan kong magbiro.

Tumingin siya sa akin kaya napaiwas ako. Ilang segundo at minuto na ang nakalipas, nanatiling nakatitig lamang ito sa akin kaya muling napalingon ako sa kanya.

"Matuturuan ba ang puso, Ysa? Kasi kung ganoon, wala na sanang taong naghihirap at nagdurusa. Hindi ba?," hindi nakaligtas sa akin ang pait sa kanyang boses.

"Pero, kung gugustuhin mo, makakaya mo naman," katwiran ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at napabuntong-hininga.

"Magiging masaya ka ba kapag pinili kita?," tanong niya sa akin.

"Oo," walang pag-aalinlangang kong sagot.

"Magiging masaya ba ako?"

Natutop ako sa kanyang tanong. Aaminin ko, hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. Magiging masaya nga ba siya sa akin?

Marahil, wala siyang makuhang sagot sa akin kaya nagpatuloy siya.

"Minsan kapag nagmamahal ang isang tao, hindi niya namamalayan nagiging makasarili siya. Iniisip niya na mas makakaya niyang pasayahin ang taong mahal niya kaysa sa ibang tao pero ang totoo, sarili lang niya ang magiging masaya."

Tumingin siya sa akin. "Pareho lang tayong nagmamahal dito, Ysa. Sa bawat pagmamakaawa mo sa akin na sana ikaw nalang ang piliin ko, nararamdaman ko rin 'yon dahil paulit-ulit din akong nagmakaawa kay Lysse na ako nalang ang mahalin niya. Pareho lang tayo ng sitwasyon, Ysa. Ikaw, bakit hindi mo kayang piliin yung mga taong nagmamahal sayo? Bakit paulit-ulit ka pa ring bumabalik sa akin?," umiling ako, tanda na hindi ko kayang sagutin ang tanong niya.

"Dahil alam mo sa sarili mo na kahit anong mangyari, magiging tunay na masaya ka pa rin sa taong mahal mo, hindi ba? Ganon lang din 'yon sa sitwasyon natin. Hindi kita magawang piliin dahil alam kong kay Lysse pa rin ako magiging masaya."

"Dapat na ba akong tumigil na mahalin ka? Dapat na ba akong sumuko, Liam?," I asked him.

He smiled at me,"Para sayo, dapat na ba akong tumigil na mahalin si Lysse? Susuko na ba ako? Kung ano'ng magiging sagot mo, iyon ang gagawin nating pareho."

Hindi ko alam, pero napatawa ako sa sagot niya. Kahit ano man ang maging sagot ko, alam kong ako pa rin ang talo.

"Palayain mo na ako, Ysa at papalayain ko na si Lysse. Hindi naman lahat ng tao kahit mahal mo, ipaglalaban mo lalo na kung sa simula palang alam mong ikaw na ang talo. Tandaan mo, hindi lahat ng sumusuko, mahina. Acceptance yon, Ysa. Hindi tayo nagmamahal para mahalin din tayo, nagmamahal tayo para sa ibang tao. Kaya nga may selfless love, hindi ba? Hindi tunay ang pag-ibig kung magmamahal ka lang para sa sarili mo."

Lumipas ang ilang minuto nang walang kibuan. "Hindi ka pa ba aalis?," tanong ko sa kanya.

"Mauna ka," sagot niya. "Alam ko kung gaano kasakit na makitang papalayo sa akin ang taong mahal ko at ayokong maranasan mo sa akin 'yon. Mauna ka, susunod ako."

With that, I stand.

"Thank you, Liam. You're really a good guy," ngumiti ako sa kanya at nagsimula ng maglakad papalayo sa taong mahal ko.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon