I volunteered to help him to forget his ex. Sinabi ko sa kaniya, bigyan niya lang ako ng tatlong buwan, makakalimutan niya si Ezra. This is my chance to get him. Matagal ko ng pinangarap na maging akin siya, sasayangin ko pa ba?
Luckily, he agreed.
We started dating after that. Aaminin ko, mahirap siyang pakisamahan. He was hard to please. Lagi niyang ikinukumpara 'yong mga ginagawa ko kay Ezra. Kesyo gan'yan si Ezra tapos ako ganito. Kesyo dapat gan'yan ako kasi ganito si Ezra dati.
We went to different clubs every night, we tried smoking together, I did bad doings with him. Pumayag akong baguhin niya rin ako, physically. Mula sa pananamit, pagkilos ko at maging sa pagsasalita. He made me the complete opposite of his ex.
"Gan'yan ka lang maglambing? Hindi pa ako kinilig sa'yo kahit minsan."
Lagi siyang nagrereklamo. Kahit na madalas ko siyang yakapin, hagkan at lambingin, para sa kan'ya, wala raw akong pakiramdam. Hindi raw ako girlfriend material. He doesn't see me as his wife material in the near future.
"Ayusin mo naman. Paano ko siya makakalimutan kung gan'yan ka?"
Ngingiti na lang ako sa tuwing nagrereklamo siya at yayakapin siya ng mahigpit. Kung hindi naman ako nahihiya, ibubulong ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.
I also tried to please his friends, para sa akin ang boto nila at magustuhan ako para sa kaniya. Sila rin naman ang madalas kong kasama dahil iyon ang gusto ni Derrick.
Sumasama rin ako sa mga party na naiimbitahan siya. Premyo ko na lang sa sarili kasi masaya ako sa tuwing ipinapakilala niya akong girlfriend niya.
"Naku, Derrick, huwag mo ng papakawalan si Therese. Ang swerte mo na sa kaniya."
Laging 'yon ang sinasabi ng mga kamag-anak niya. Maging sa parents niya ganoon din. Botong boto kasi sa akin ang mga magulang niya, eh.
Isang buwan.
Dalawang buwan.
Sa ikatlong buwan, doon ko pa lang naramdaman na may pag-asa akong magtagumpay sa larong pinasok ko.
Ramdam ko. Unti-unti ko na siyang nababago. 'Yong pagiging mareklamo niya, nawawala na. 'Yong pagdidikta niya sa akin, hindi na niya ginagawa. Nag-iiba na siya.
"Derrick...?"
"Huwag mo akong iiwan, Therese."
Napangiti ako. Hindi ko talaga iiwan ang lalaking ito. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong maging masaya.
Derrick told me to forget our deal. Kalimutan na raw namin 'yong tatlong buwan na pinag-usapan. In short, I became his girlfriend, officially.
Our relationship became ecstatic. He became a good boyfriend to me. He became extra touchy and extra sweet. Kung noon ako lang ang nag-eeffort, ngayon kaming dalawa na.
Isa lang ang masasabi ko, iba pala magmahal ang isang Derrick Arevalo. Being with him, I felt loved. I felt I was in the hand of the right man.
Not until, we heard a news. Uuwi na raw ng Pilipinas si Ezra.
Okay lang sa akin 'yon pero kay Derrick, parang hindi. Pakiramdam ko, lagi siyang kinakabahan, walang gana, at kung minsan, galit siya.
Lagi kong tinatanong kung bakit pero laging wala ang sagot niya. Huwag ko na lang daw pansinin dahil pagod lang siya sa trabaho. Naniwala ako. Binalewala ko 'yon. Akala ko kasi ayos ang lahat.
Hanggang sa naramdaman kong bumabalik ulit siya sa dati. Kung paano niya ako kausapin, kung paano siya kumilos, 'yong pagiging mareklamo niya, nararanasan ko ulit 'yong dati.
Gusto ko mang sabihin sa kan'ya ang mga napapansin ko pero pinapangunahan ako ng takot. Maraming what if ang umiikot sa utak ko. Ang malala pa, naiisip kong what if heto 'yong naisip niyang paraan para alisin ako sa buhay niya. Hindi ko yata kakayanin 'yon.
"Derrick..."
He sighed. Tumingin ito sa akin, nasasaktan.
"Is it about Ezra? Please tell me the truth."
Bahagya itong natawa bago umiling, kalaunan. Kinuha nito ang kamay ko saka hinawakan ng mahigpit.
"You know I've loved you, right?"
"H-Huh?"
"Last month may nakilala akong babae. Magkaibang-magkaiba sila ni Ezra, Therese. She's the complete opposite of her. She was the woman I was looking for. Ganoon na siya, Therese. Hindi na niya kailangan pang magbago."
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Ayaw kong maintindihan.
"W-What do you mean?"
He smiled at me, genuinely. 'Yung ngiting kahit kailan hindi niya ipinakita noon sa akin.
"Therese, she made me forget Ezra. In three months, she successfully made me fall in love with her. Noong panahong kasama ko siya, pakiramdam ko nasa sa akin na ang lahat. Kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko si Ezra, nakakalimutan kita."
"Derrick..."
Umiling siya. Tuluyan nang nabasag ang boses ko. His eyes was telling me it all.
Did he was in love with another woman again?
I looked at him, with hope in my eyes. "Then, give me another three months again, Derrick. This time, I'll promise, ako na. This time, sa akin ka na mahuhulog."
But he let go of my hand, instead.
"Therese, three months is over. Baka pwede na 'yon. Naging masaya ka na 'diba? Nakasama mo na ako. Hindi pa ba sapat 'yon? Baka pwede mo na akong palayain."
Lumayo ito sa akin. Dumiretso sa pintuan at handa ng umalis. But, before leaving, he uttered words that made my heart broke into million of pieces.
"Forget about me, Therese. You don't have to be the complete opposite of her. Baka hindi lang talaga ikaw...
.... baka hindi lang talaga ikaw ang kailangan ko."