Three years ago, I was the photographer. Tagakuha ng litrato ng tropa ko kasama ang girlfriend niya. Ngayon, ako na 'yung boyfriend ng ex niya.
Elementary pa lang, magkaibigan na kami ni Ren. Parehong only child kaya ang isa't isa ang itinuring naming kapatid.
Grade 12 kaming pareho nang magkaroon ng girlfriend si Ren. Kapareho namin ng eskwelahan ang babae na nakilala niya sa internet. Niligawan niya ng ilang buwan at naging sila pagtungtong namin ng kolehiyo.
Irish, that was her name. She wasn't an ideal girl for me. Pabebe kasi at sobrang maarte. She was a very jealous type of girl. Masyadong mapanghinala sa kaibigan na kahit pupunta lang ito sa amin ay panay ang tawag o kaya naman ay laging kasama sa inuman naming dalawa.
"Tol, bakit mo naman isinama? Alam mong bakasyon lang nating dalawa 'to?"
Bulong ko sa kaibigan nang makitang kasama nito ang girlfriend. Taon-taon kasi ay usapan naming dalawa ang pagbabakasyon ng magkasama. Pero, mukhang maiiba yata ngayon dahil kasama nito ang babae na may dala pang swimsuit, akala mo naman ay imbitado sa beach outing namin.
"Hindi ako pinayagan kapag hindi siya kasama. Alam mo namang selosa, mambababae lang daw tayo."
Hindi na ako nagulat sa sagot nito. Ano pa bang bago ro'n? Pinaglihi yata sa selos ang babaeng 'yon.
Ren became an understanding boyfriend to her. Nakita ko 'yon. Hindi nito magawang magalit sa babae kahit panay ang away nila tungkol sa maliliit na bagay. Napatunayan ko 'yon nang malamang pinaghintay siya ng babae ng halos tatlong oras sa harap ng university pero hindi naman pala papasok ang babae.
"Hayaan mo na. May rason siya, sigurado ako."
Hindi ko noon matanggap na ganito ang ginagawa ng babae sa kan'ya. But, he still loves her and understands her.
May mga pagkakataong mas inuuna pa niya ang babae kaysa sa akin. Isinasakripisyo niya ang lakad naming dalawa, maibigay lang ang buong oras sa kan'ya. Panay ang udyok kong hiwalayan na niya ang babae, nagagalit lang ito sa akin.
Nagpatuloy ang ganoong senaryo hanggang sa huling taon ng kolehiyo. I saw how he suffered dealing an immature girl. Until, they broke up. Bigla kasing nagalit ang babae dahil palagi raw busy ang kaibigan. Pasahan kasi ng requirements dahil malapit na ang graduation.
I even remembered Ren saying, "Hindi niya ako naintindihan, Tol. Hindi ko kinaya, napagod ako."
Bumalik kami sa dati ni Ren. Matapos ang graduation, bumuo kaming pareho ng career naming dalawa. Nakaassign kami sa magkakaibang department. At doon nagsimula ang lahat.
Falling in love with Irish wasn't really in my plan but it was just happened.
Naging magkatrabaho kami. Buhat ng pagiging magkatrabaho, naging madalas kaming magkasama. Magkasabay kumain, sabay na umuwi at may pagkakataon pang sinusundo ko siya para sabay din kaming pumasok.
I saw how she'd grown up into a matured woman. Gone the pabebe side and the maarte side of her. Those were replaced by her caring, understanding and matured side. And that's how I started to fall for her.
Bago ko siya niligawan, nagpaalam muna ako kay Ren. Pumayag naman siya kaya walang naging problema. Sinagot niya ako matapos ang tatlong buwan.
Naging maayos ang relasyon namin, ibang-iba sa naging relasyon nila ni Ren noon. The two were also civil with each other. Nagpapansinan naman kapag sinasama ko siya sa mga mahahalagang okasyon ng pamilya.
But little did I know, those were all lies.
Matapos kong maihatid si Irish pauwi, bumalik ako sa bahay nina Ren. Kasalukuyan kasi kaming may inuman at umalis lang sandali para ihatid si Irish. Nadatnan ko roon si Ren, mag-isang umiinom. Lasing na ito, base pa lang sa kulay ng mukha at kilos.
"Tol, lasing kana yata? Baka tulugan mo ako, ah?" pagbibiro ko habang umuupo sa harapan niya.
Hindi niya ako sinagot. Tuloy-tuloy lang ang pag-inom nito kaya pinigilan ko. Nagpapapigil naman siya at malakas na naibagsak ang baso.
"Bakit mo pa kasi siya isinama rito? Akala ko ba, tayo lang muna?"
Napatingin ako sa kan'ya pero hindi sumagot. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.
"Tol, akala ko ayos na ako, eh. Maayos naman ako no'ng nawala siya, 'diba? Naabot ko naman lahat ng pangarap ko, kahit hindi ko siya kasama." Napatawa ito ng bahagya. "Pero bakit ganoon tol, noong nakita ko siya ulit na kasama mo, masaya siya sa'yo, bigla kong narealized na..."
Tumigil siya sa pagsasalita. Tinuloy niya ang pag-inom ng alak na iniinom kanina. Hindi ako umimik. Hinayaan ko siya sa kaniyang ginagawa.
Nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata kahit na bahagya itong ngumiti.
"M-Mahal ko pa pala siya, tol."
Nagulat ako sa narinig. Nagsalin na rin ako ng alak sa baso saka mabilisang ininom 'yon.
"Tatlong taon na, tol. Dapat nakalimutan mo na siya sa panahong iyon."
Natawa siya sa sagot ko.
"Noong nakipaghiwalay ako, plano kong bawiin siya ulit. Magtatrabaho muna ako para maibigay lahat ng pangangailangan niya. Mahal ko siya, eh. Minahal rin naman niya ako, 'diba? Tinanggap ko lahat, napagod lang ako." Muli siyang uminom ng isa pang baso ng alak bago nagpatuloy. "Pero, anong magagawa ko? Sa'yo siya naging matured. Ikaw 'yung naintindihan niya. Ikaw na 'yung mahal niya ngayon. Wala na akong lugar sa buhay niya."
Hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako sa kan'ya.
"Nakita mo kung paano niya ako sinaktan at pinahirapan, pero bakit ngayon, pinapasaya mo siya?"
Akala ko dati, kapag jinowa mo 'yung ex ng tropa mo, tungkol lang iyon sa bro code. Nawawalan ka ng respeto aa kaniya at sinisira mo 'yung pagkakaibigan n'yo.
But, upon hearing those words from him, I just realized one thing. Wala naman talagang bro code. May respeto ka pa rin naman sa kaibigan mo at hindi naman masisira 'yung pagkakaibigan n'yo kung pipiliin n'yo lang ayusin.
Kapag pala jinowa mo 'yung ex ng tropa mo, isa lang ang ibig sabihin no'n.
Pinapasaya mo 'yung taong minsang nakasakit sa tropa mo.
Minamahal mo 'yung taong minsang nang-iwan sa tropa mo.Sinasaktan mo 'yung tropa mo kahit na hindi mo sinasadyang gawin.
"Tol, mangako ka sa akin na siya na 'yung babaeng papakasalan mo. Pero, pasensiya na, ah, hindi ako pupunta."
Tuluyan nang nabasag ang boses nito, kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Kahit na hindi na ako basta maging masaya lang kayong pareho."