PAINFULLY YOURS

422 10 0
                                    


Have you ever fell in love with the person you met online? Liquid love, kumabaga, temporary love. Most of you will say yes, and some will say no. But I know most f us already experience and know the feeling of this.

Nagkakilala kami through internet. It started with a "hi" and "hello" until we became close friends. Palagay ang loob namin sa isa't isa kahit magkaiba kami ng religion. Nariyang mag-aaway kami dahil hindi kami parehas ng pinaniniwalaan at naiinis kami sa isa't isa dahil ayaw naming magpatalo. We're both fighting for our religion. But at the end of the say, magso-sorry pa din kami dahil ang bigat sa pakiramdam na magkagalit kami at hindi nag-uusap. Some may say toxic ang ganoon but that what makes us happy. Sa ganoong paraan namin mas lalong nakikilala ang isa't isa.

"Uy busy mo yata?", he chatted me kasi halos buong week akong di nagparamdam sa kan'ya. I'm really busy that time kasi pasahan na ng mga requirements ko sa school. Idagdag pa na kasama ako noon sa school paper organization ng school, kaya madami talaga akong ginagawa. Ahead siya sa akin ng one year and he is already grade 11 that time while I'm on my 10th grade.

"Bakit? Miss mo ako?", yan ang laging reply ko sa kan'ya everytime na tinatanong niya ako ng ganon. In denial kasi siya at ayaw ipahalata na gusto niya akong kausap or maybe feeling ko lang 'yon. Ramdam ko naming takot pa din siyang i-open ang sarili niya sa akin dahil hindi pa naman kami ganoong magkakilala. Ganoon din naman ako pero sinisikap kong maging komportable sa kan'ya sa abot ng makakaya ko.

*Jason Velasquez is active now*

"Uy lolo!"

Lolo at lola ang tawagan natin dahil sabi mo nga mukha na tayong matanda. Matured na tayo para maging isip-bata.

"Oh? Hindi kana busy?"

"Hindi na. Namiss kita"

"Hindi kita miss"

"Sus kunwari ka pa!"

"Okayed. Aalis pala ako ngayon, may pupuntahan akong birthday party."

"Uy maraming babae diyan. Pumili ka na lang. Dapat maganda at hindi mukhang matanda tulad natin. "

"Party pupuntahan ko, hindi babae. Sige alis na ako mamaya nalang"

"Sige ingat. Balikan mo ako, hihintayin kitang bumalik"

"Nakabalik na ako yieeeee"

"Sira!"

Sa ganyan lagi nauuwi conversation namin kapag umaalis siya. Feeling girlfriend kasi ako sa kan'ya. Magsasabi ng mga sweet words at ganoon din naman siya sa akin. Kapag aalis siya, pasimple ko pa siyang binubully sa mga babae pero ang totoo ayoko naman talaga. Parang gusto ko akin lang ang atensiyon niya kahit wala naman kaming relasyon. Sira lang diba?

Naalala ko pa yung time na wala akong tulog kakagawa ng mga reports, sa kan'ya din ako nagreklamo. Halos buong magdamag akong gising noon kaya pati siya napupuyat nang dahil sa akin.

"Lolo! Mamamatay na yata ako. Puntahan mo na lang ako sa burol ko"

"Nakakatawa talaga 'yon. Bilhan pa kita ng biscuits tsaka kape. Hindi mo makakain iyon kapag namatay ka. Nangyari ba kasi sa'yo?"

"Kasi naman wala pa akong tulog tapos hindi pa tapos ang mga reports ko. Anong gagawin ko?"

"Kalma ka lang. Tapusin mo muna kasi mga kailangan ngayon tapos magpahinga ka. Tsaka na iyong iba"

"Paano kung kailangan lahat ngayon?"

"Pakamatay ka na nga talaga!"

"Sira!"

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon