UMAMIN KA NA SA BESTFRIEND MO HABANG MAAGA PA

413 10 0
                                    

Kaibigan lang ako noon, hanggang kaibigan na lang ako ngayon.

Grade 7 nang maging magkaibigan kami ni Greg. Parehas kasi kaming math wizard sa klase kaya nagkakasundo.

Aaminin ko, napaka ideal niyang lalaki. Matalino na, certified gwapo pa. Mabait siya at higit sa lahat, marespeto siyang tao. Kahit sino, magkakagusto talaga sa kaniya.

Lagi kong sinasabi sa sarili, hindi ko siya type. Mas gusto ko kasi 'yong mga badboy type dahil sa kakabasa ko ng Wattpad. Lagi ko siyang kinukumpara sa mga lalaking nababasa ko roon para maiwasan ko ang magkagusto sa kaniya.

Kaso nga lang, pinaglaruan ako ni Kupido. Bigla ko na lang naramdaman 'yong mabilis na pagtibok ng puso ko at paglipad ng mga paru-paro sa tiyan ko. Tatlong taon. Tatlong taon bago ko naamin sa sarili ko na gusto ko pala siya.

Mahirap magtago ng nararamdaman lalo na kung sobrang close kayo. Darating ka sa point na maga-assume ka sa mga pinapakita niya. Pasimple kang kikiligin sa mga ginagawa niya at pasimple kang aasa na sana gusto ka rin niya.

Senior High School days, hindi ko pa rin inamin sa kaniya. I acted casual. Walang nagbago sa amin.

I even supported him with his lovelife. Kung kani-kaninong babae ko siya tinulak. Pati nga sa mga gangster sa school namin, binully ko siya.

"Pips, hindi nakakatawa."

Maiinis na lang siya sa akin tapos tatawanan ko lang.

"Kapag ako napahamak ng dahil sa'yo, ipapasalvage kitang babae ka."

Tinatakot niya ako pero alam kong handa siyang mapahamak para sa akin. I remembered him, being injured during our PE. Nakipagbugbugan ba naman siya dahil binastos ako no'ng lalaki sa kabilang section.

Wala akong naging kaibigan, bukod sa kaniya. Siya, nagkaroon siya ng barkadang lalaki pero kapag pipili siya, ako ang priority niya.

During our high school days, he never had a girlfriend. I never had too.

Tinutukso na nga nila kami na baka raw kami ang magkatuluyan. Hindi na lang namin pinapansin, baka magkasiraan pa kami.

Natakot ako nang umamin siyang may nagugustuhan na raw siyang babae no'ng magkolehiyo kami. Dahil hindi kami parehas ng course, hindi kami laging magkasama.

Kahit masakit, sinuportahan ko siya. Mula sa panliligaw niya, sa pagbili ng regalo, sa mga surprises niya hanggang sa sinagot siya.

"Sorry, pips. May lakad kasi kami ni Angeline, eh. Promise, babawi ako sa'yo next time."

Naiintindihan ko nang mahati 'yong atensiyon niya para sa aming dalawa. Mas nabibigyan na niya ng oras 'yong isa kaysa sa akin. S'yempre, girlfriend niya 'yon.

Not until, his girlfriend confronted me. Hindi raw niya gusto 'yong existence ko sa buhay ni Greg. She wants me to get lost in Greg's life. She even told Greg that I hurted her. Nagseselos daw ako kasi siya 'yong mas napagtutuonan ng pansin.

Fortunately, Greg didn't believed her. Naghiwalay silang dalawa.

"May sayad yata 'yong utak ng babaeng 'yon. Gagawa ba naman ng kwento."

Sinisiraan niya pero naglalasing naman kasi nasaktan siya. First girlfriend niya, eh.

"Balikan mo na lang kaya? Itago na lang natin 'yong friendship natin sa kaniya."

Natawa siya saka piningot 'yong tainga ko.

"Kabaliwan 'yang sinasabi mo."

Honestly, gusto kong umamin sa kaniya no'ng gabing 'yon. Gusto kong sabihin sa kaniya na ako na lang ipalit niya sa ex-girlfriend niya. But, I stopped myself. This is not the right time.

Hanggang sa magtapos kami ng kolehiyo, hindi na siya nagkaroon ng girlfriend.

Nagkahiwalay kami nang magsimula ng magtrabaho. Naging Nurse ako sa ibang bansa habang siya, naging Engineer sa Pilipinas.

Hindi kami nawalan ng komunikasyon. We still do video calls and chats kaso madalang na lang. Masyado na kaming busy sa kaniya-kaniya naming career.

Limang taon. Limang taon bago niya ako napilit na umuwi.

Ngumiti ako nang tingnan niya ako. Inayos nito ang suot na tuxedo bago ngumiti sa akin.

Akala ko, hindi darating ang araw na ito. Akala ko, hindi ako maglalakad palapit sa altar habang nakikita siyang kabadong naghihintay doon.

Hindi nga lang ako ang babaeng hinihintay niya.

Buong seremonya, pinigilan ko ang sariling umiyak. Ang sakit sakit makitang ikinakasal sa iba 'yong lalaking buong buhay ko, siya lang 'yong pinangarap ko.

Tumingin siya sa akin nang dumating sa wedding vows. Nginitian niya ako pero hindi ako makangiti.

He pointed his one finger on me.

"Do you know that girl, love?"

Lumingon si Macy sa akin. She waved her hands so I smiled at her.

He continued.

"Crush na crush ko 'yang babaeng 'yan, eh. Kaso hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin. First love ko 'yan pero huwag mong pagseselosan, ah? Gantihan mo na lang, ipakita mo kung gaano ka kaswerteng naging asawa mo ako para magsisi siyang kinaibigan lang niya ako."

Nagtawanan ang mga tao sa simbahan. Except for me. Doon, kusang tumulo ang mga luha ko.

Ilang beses ko bang sinubukang umamin? Ilang taon ko bang itinago ang nararamdaman ko? Ilang taon ba akong natakot na baka mawala siya sa akin kapag umamin ako?

Sana pala, umamin na lang ako.

Umiiyak lang ako hanggang sa katapusan ng seremonya.

"You may now kiss the bride."

Napaiwas ako ng tingin nang maghalikan silang dalawa.

What if umamin ako? What if nilakasan ko 'yung loob ko? What if hindi ako natakot na baka mawala siya sa akin?

He will always be my biggest what if in life.

Sayang tayo, pips.

Pang-habang buhay sana tayo.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon