HAVING AN ATHEIST BOYFRIEND

502 14 0
                                    


I believe in Him but he believes in Science.

"Our solar system was created about 5 billion years ago from a cloud of gas and dust, the remains of a supernova. Pressure caused the cloud of gas and dust, known as a nebula, to begin collapsing and gravity forced the dust and gas together to cause a solar nebula," he said when I asked him about the creation of the universe.

Napamaang ako sa naging sagot niya.

"No," I snapped. "According to the Genesis, God created the universe in a span of 6 days. Where the plants had not been planted and neither animals nor man had been given the breath of life; they were dormant. Then God rested on the seventh day."

Napailing siya sa aking sinabi, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Noong minsan nga, tinanong ko naman siya kung ano ang nararamdaman niya para sa akin. Gusto ko lang malaman kung gaano niya ako kamahal pero napanganga na lang ako sa sagot ng ateistang ito.

"I'm in love with you, baby. Being in love is affected by huge, measurable changes in the biochemistry of the brain. Love is not what you think the fast beating of your heart because it just your heart, pumping blood," sagot niya.

"Ang bitter mo!," sigaw ko. Napasimangot ako habang nakangiti lang siya sa akin.

"No, I'm just stating the fact," he answered.

"For your information, when your heart beats fast towards someone, ibig sabihin n'on inlove ka. When you feel butterflies in your stomach, nagiging mabagal ang lahat ng nasa paligid mo, ' yon ang pagmamahal!," I exclaimed but he just shrugged.

'Yong pagkikita na lang nga namin, ibinase pa niya sa Siyensa.

"You know what baby, the most wonderful and dreadful thing about destiny is that we will never know, until the future arrives as the present. We do make choices every single moment. It is our choice why our path crossed and why we fell with each other. Not because of a certain fate, it's free will," paliwanag niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napakasama naman talaga ng lalaking 'to!

"Plan kaya ni God kung bakit tayo nagkita. Kahit naman pillin natin yung tao, kung hindi siya yung itinakda ni God para sa atin, wala rin," katwiran ko. Papatalo ba ako sa kan'ya?

We sighed.

Mahirap nga talaga kapag magkaiba kayong dalawa, para kang susulong sa butas ng karayom at lulublob sa kumukulong tubig para lang maintindihan niyo ang isa't isa, pero alam mo 'yong hindi niyo mabitawan, iyong kaalamang magkaiba man kayo ng pinaniniwalaan, yung tibok naman ng puso ninyo, pareho.

"If really God plans all of this, then I should thank Him. Yes, I don't believe in Him, but having you in my life is such a wonderful blessing from Him," seryosong sabi niya.

I pinched his nose.

"Ang seryoso mo naman! Magpapasalamat na rin ba ako sa free will mo?," I joked, pero napailing lang siya.

I looked at him as he held my hand.

"No matter what you believe, no matter what your religion is, kahit sabihin nilang walang patutunguhan ang relasyon natin, promise me baby, walang bibitaw sa ating dalawa."

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon