Una at huli: Siraan mo sa iba. Parang ganito lang. Simple.
"Crush ko talaga si Erickson!", rinig kong sabi ni Myka, kaklase ko.
Sumabat naman kaagad ako.
"Ah crush mo 'yon? Balita ko nga hindi man naliligo 'yon e!"
Napalaki naman yung mata niya.
"Ang fresh kaya niya lagi"
"Fresh daw? Wala pa ngang New Year amoy putok na e!", humahalakhak kong sabi. Nakakatawa talaga yon.
"Bulag ka ba girl? Heto picture niya oh!", sabat ng isa sa mga alagad niya sabay sampal sa akin nung picture niya.
"Tingnan n'yo nga, ang laki ng mata niya. Pango pa ng ilong", paninira ko pa habang dinuduro yung picture.
"Ay bitter lang 'te?", si Myka.
Umiling ako.
"Kung ako sa inyo, iba nalang maging crush nyo. Panget lang si Erickson", pangungumbinsi ko pa.
"Baka naman crush mo din, ayaw mo lang ng kaagaw", sagot naman ng isa habang nanliliit ang mata.
"Ako? Crush ko yan? Mukha ngang bakla e"
Umismid sila.
"Akin na nga yung picture niya! Panira ka ng araw", naiinis na kinukuha sa akin ni Myka yung picture.
"Huwag na! Tapon na lang. Ako na magtatapon", sagot ko at itinaas sa ere yung picture.
Nagtaka ako nang tumahimik sila. Bigla nalang may umagaw sa akin nung picture.
"Anong itatapon?", rinig kong sabi ng kung sino. Si Erickson pala. Nakita kong tiningnan nya yung picture habang nakakunot-noo.
"Ako to ah? Bakit may picture ako sayo?", tanong niya.
Hinintay kong sumagot si Myka pero sa akin pala nakatingin si Erickson. Kinuha ko ulit yung picture sa kanya.
"Luhh ako may picture mo? Patawa ka ah. Picture kaya 'to ng asawa ko."
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Historia CortaCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.