A DREAM COME TRUE

463 10 0
                                    


"Ano bang gusto mo sa isang babae Cholo?", kuryosong tanong ng mga kaklase ko. Kasalukuyan silang nasa harap ngayon at inuusisa siya.

"Hmm ano nga ba?", sagot nito habang umaaktong nag-iisip.

"Maganda ba? Mabait? Mahinhin?", gagad ng mga kaklase ko.

"Hmm gusto ko yung mabait", sagot niya.

"Mabait lang?", nakisali na ang kakambal kong si Mia.

"Simple lang ang gusto ko sa babae Mia", sagot naman ni Cholo.

"Ayun! Sakto ganon si Macy!", sigaw naman ni Mia habang nakatingin sa akin.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko kaya namula ako. Nakita ko namang napangiti si Cholo.

Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya, tinaasan niya lang ako ng kilay. Napayuko tuloy ako habang napapangiti.

"Malapit na ang prom, anong balak niyo?", nandito kami ngayon sa canteen kasama si Lucy, bestfriend namin.

"Ewan ko. Niyaya nga ako ni Adam, baka siya nalang partner ko", sagot ni Mia.

"Ikaw ba Macy?", si Mia.

"Ewan ko", simpleng sagot ko.

"Balita ko, may balak daw yayain si Cholo. Baka ikaw na yon Macy!", si Lucy.

"Naku hindi na ako umaasa"

Nabigla naman ako nang kinurot ako ni Mia.

"Hindi daw umaasa. Nakita kong kinausap ka niya kahapon e. Anong sabi?", ani Mia.

"Wala nanghiram lang notes. Tsaka pinaalala lang niya na magkagroup kami sa Biology"

Nagulat ako ng tumili sila. "Edi pupunta ka sa bahay nila?", tanong nila. Namula lang ako at hindi na nakasagot pa.

"May partner na daw si Cholo", malungkot na sabi ko.

"Sino daw?", gagad ni Lucy.

Napatingin naman ako kay Mia. Tahimik lang itong kumakain.

"Si Mia"

"Ano?!", sigaw ni Lucy. Napaangat tuloy ng tingin si Mia.

"Kami na kasi. Sinagot ko na siya"

Hindi ko kasi alam, gusto din pala siya ng kambal ko.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon