"Pandak picture tayo dali!", rinig kong tawag sa akin ni Theo.
"Ayaw ko nga", sagot ko. Pero dahil kilala ko 'tong si Tangkad, hindi siya nagpapigil. Hinila niya ako palapit sa kanya at inakbayan.
"Wacky tayo", sabi niya sabay taas ng camera. "1,2,3 say cheese"
Nang tingnan naming dalawa ang kuha niya, sabay kaming napatawa.
"Ang pangit mo ditto, Tangkad! Mukha kang unggoy!", pambubully ko sa kanya.
"Eh ikaw nga mukhang siopao", banat niya.
"So mataba ako?", sinamaan ko siya ng tingin.
"Siopao kasi ang cute mo. Halika na nga, kain na tayo baka gutom ka na"
Bolero masyado kaya hindi ko matiis e.
"Uy hindi ka na naman natulog no?", bungad niya sa akin.
"Nagbasa kasi ako ng wattpad", sagot ko at pagod na umupo.
"Tsk", sagot niya habang naglalabas ng libro. Nagtaka ako nang hinarang niya sa akin iyon.
"Anong gagawin ko diyan?"
"Tulog ka na, kaya hindi ka tumatangkad e. Ihaharang ko sayo 'tong libro baka mahuli ka ni Sir, si Hitler pa man din 'yon", sagot niya at tinulak pahiga ang ulo ko.
Paanong hindi ako maiinlove? Siya na yata ang pinakasweet na boyfriend sa Earth.
"Gusto mo?", alok niya sa akin ng kinakain niya.
Hindi ako sumagot at kumuha nalang pero inilayo niya.
"Akala ko ba bibigyan mo ako?"
"Oo nga. Susubuan kita."
Umirap naman ako pero binuka pa rin ang bibig. Nasapak ko siya nang inilapit lang niya sa bibig ko yung chips pero siya din ang kumain.
"Ikaw nalang kumain", tampo ko. Lalayo na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko at sinubo sa bibig ang sandamakmak na chips.
"'Yan kain ka. Ayaw kong nagpapagutom ka"
Siya yung tipong hindi ko alam kung naglalambing ba o nang-iinis nalang.
"Halika, ipapakilala kita kay mama", yaya ko sa kanya.
Hinila ko siya pero napalingon ako ng hindi siya nagpaubaya.
"Bakit?"
"Ano munang hitsura ko? Gwapo ba?", tanong niya habang inaayos ang buhok.
Napatawa ako. "Kailan ka ba pumangit?"
Napailing naman siya pero nakita kong namula ang tainga niya.
"Halika na nga!", pasimpleng sabi niya at siya na ang humila sa akin.
Nang makita ako ni mama, sinalubong niya kami. Nagtataka siyang tumingin sa katabi ko.
"Sino 'yang kasama mo Victoria?", tanong niya.
"Ma si Theo po, boyfriend ko"
"Boyfriend?!", napasigaw ni mama. Nakita kong gulat ding napatingin sa akin si Theo.
Mapait akong napangiti.
"Opo ma, lalaking kaibigan ko po."
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Historia CortaCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.