"Lahat ng class, may status. It's either higher, middle or lower class. Even sa facebook may status din tayo everyday." panimula ni crush sa report niya habang palakad-lakad pa.
"So parang ako pala!", sabat ko.
"Bakit naman?", tanong niya sa akin.
"Kasi class kita", sagot ko. Malakas na naghiyawan ang mga kaklase ko kaya napailing nalang siya. Kasi alam kong suntok sa buwan na magugustuhan ako niyan.
"Parang kay crush lang din yan. Lahat naman tayo may status kay crush. Yung iba friendzone, kinacrush back at yung iba someonezone." patuloy niya nalang. Naghiyawan naman ulit ang mga kaklase ko nang magtaas ako ng kamay sa pangalawang pagkakataon.
"Yes Kate?" tawag niya sa akin.
Tumayo naman ako habang siya, seryosong nakatingin sa akin.
"Anong status mo ngayon?", tanong ko.
"Hmm single pa ako.",sagot naman niya.
"Itaken na kaya kita?", sagot ko. Napatawa naman ang mga kaklase ko habang siya napailing na lang.
"Ikaw ba anong status mo kay crush?", tanong ko ulit sa kanya.
"Depende." sagot niya.
"Depende sa?"
"Depende kung gusto mo din ako."
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Historia CortaCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.