He moves from one country to another. Napuntahan na nga niya lahat ng bansa sa Asya and even US. Now, we're packing his things because Europe naman ang lilibutin niya.
"I'll take pictures sa first day ni baby," pagpapagaan ko ng loob niya. Nakayakap siya sa akin ngayon habang hawak ang umbok ng tiyan ko.
"Hindi mo ako kasama 'pag nanganak ka. Wala ako para salubungin si baby sa first day niya," malungkot na sabi nito.
"I'll take videos too para makita mo," dagdag ko pa.
Umiling siya.
"Hindi ko man lang maririnig ang first word ni baby," siya.
"Araw-araw akong magrerecord para makuhanan ko yung first word niya," sagot ko.
"Yung first walk niya, ako sana ang magtuturo," bulong niya.
"Edi turuan mo nalang siyang magbike pagkabalik mo," ani ko.
"Paano pag 'di ako nakabalik?," tumingala siya sa akin at malungkot na napangiti.
Hinaplos ko ang mukha niya. "Then, don't go."
He kissed my eyes, umiiyak na pala ako.
"The world needs me," sagot niya.
"We need you too," sagot ko naman.
But, at the end of the day, I can't be selfish. My husband is a soldier. Kasama siya sa mga pinapapadala kapag may giyera. Indeed, the world needs him.
"Always remember that I love you and our baby," sabi niya habang yakap ako.
Tumango ako.
"I'll tell him that he has an amazing father," sagot ko.
Napangiti siya.
"Take care always, kung sakaling hindi na ako makabalik."
Napaiyak ako, baka nga naman hindi na siya makabalik, hindi na siya makabalik ng buhay.
Years had passed, wala pa rin akong balita sa kanya. Our son is two years old now.
'Approximately, 2000 civilians including 358 soldiers are confirmed casualties. 2 billion people suffered from war'
'Yan ang headline ng isang dyaryo. Hindi ko na alam kung ano'ng iisipin ko. Paano ko sasabihin sa anak ko na wala ang tatay niya kasi nakikipag-giyera? Pagod na akong paulit-ulit na sabihin sa kan'ya na nasa malayo lang ang ama, nagtatrabaho para sa kinabukasan niya.
"Bumalik ka na. Ayaw mo bang makita ang mga pictures at videos namin ni baby?," mahinang pagkausap ko sa litrato niya.
Then suddenly, our telephone rang. Nervously, I answered it.
"Hello?," ako.
"Is this Mrs. Delgado?," tanong nito.
"Yes, who's this?," sagot ko naman. Bahagya pa akong napahawak sa dibdib habang nararamdaman pa rin ang kaba.
"This is Lieutenant General Lucas Delgado, out of duty. I'm back, wife."
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Historia CortaCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.