CHOOSE THAT FLAWED ONE

517 14 0
                                    

I became the worst girlfriend he ever had in his life.

Sabi nila, ang mga babae raw kung gaano kataas ang pride nila ganoon naman kababa ang tiwala at confidence nila sa kanilang sarili lalo na pagdating sa isang relasyon.

Iyong tipong makita lang nilang may nginitian at makipagtawanan lang sa ibang babae ang kanilang boyfriend, maiisip kaagad nila na may ibang nagpapasaya na sa kanila.

Kapag hindi lang sila mareplyan agad o kaya matawagan at matext sa tamang oras, pakiramdam nila hindi na sila importante.

Kapag nakakakita ng magandang babae, ikukumpara kaagad nila ang kanilang sarili. Kesyo mataba, pangit at hindi sila kapansin-pansin sa iba.

My boyfriend is a perfect example of a  man. Kaya naman madalas akong magduda sa kan'ya kahit na ipinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako. Marahil, ang iba sa inyo sasabihin na swerte ako kasi nakatagpo na ako ng 'man' sa buhay ko. That's actually the reason why I always doubt him. Nakakatakot. Maraming babae ang naghahangad na makatagpo ng 'man'para sa kanila.

Kaya naman, sinubok ko ang pagmamahal niya sa akin. I tested his love for me.

By doing what?

By being the worst girlfriend he ever have.

Naging makasarili ako. Naging pariwara ako. Naging playgirl. Bar dito. Bar doon. I also tried flirting other guys. Kunwari kaibigan lang. Chat dito. Chat doon. Sometimes, I'll kiss them, hug them and even date them.

Simply, I cheated on him.

Then, kapag tatanungin ako ni Aldrin, sasabihin kong natukso lang ako o kaya'y hindi ko sinasadya. Madalas naman, sasabihin kong nakikipagkaibigan lang kahit hindi naman talaga.

"Why are you doing this, Sammy?," he asked me. Naisipan niya akong ilabas ngayon. Hindi na raw akong madalas sumasama sa kan'ya.

"Doing what?," tanong ko pabalik. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka niya itinaas ang magkahawak naming kamay sa ere. He smiled. Pero hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa kan'yang mata.

"Minsan, naiisip ko kung bakit nangyari sa atin 'to. We were happy. Masaya tayo.. noon."

"Aldrin," I whispered.

Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko lang mapigilan. My insecurities. My insecurities are slowly eating me. Mas maraming nababagay sa kan'ya. I had many flaws and imperfections. He's beyond perfect. Hindi ako ang nababagay sa kan'ya, diba?

"Are you still doubting my love? Kilala kita, Sammy. Hindi mo naman gagawin 'to kung hindi mo nararamdaman 'yon e."

Napatingin ako sa kan'ya. He also did the same kaya napayuko ako.

"Pangit ako. Look at me, ano bang nagustuhan mo sa akin, Aldrin?  In time, papalitan mo rin naman ako hindi ba?," matapang kong sagot. Narinig ko ang pagtawa niya.

"Kapag ba sinabi kong hindi na kita mahal, maniniwala ka sa akin?," tanong niya sa akin.  Nagulat ako kaya hindi ako nakasagot. Ngumiti siya.

Is he's going to break up with me?

"Tara, may ipapakita ako sa'yo."

Nagulat ako nang dinala niya ako sa isang sikat na bilihan ng singsing. Lumapit kami roon sa isang stand at tumingin-tingin sa mga ito.

Itinuro niya sa akin ang dalawang magkaparehong diamond ring. Ang pagkakaiba lang ng dalawa, ang isa ay makinis habang ang isa naman may lamat ng kaunti.

"Ang ganda naman nito!," tukoy ko doon sa isang makinis.

"Madali talagang maakit ang mga tao sa peke," rinig kong sabi niya.

"Huh?"

He looked at me before he pointed the beautiful one. Maganda rin naman ang isa kaso ay nasisira na dahil sa lamat nito.

"That was just imitation. Imitation of this one," itinuro naman niya ang may lamat na singsing.

"Ang mga babae parang mga diyamante lang 'yan. Kahit sa tingin mo magkakapareho sila pero hindi. Like this two diamonds, marahil kung tatanungin kita, pipiliin mo 'yung isang makinis diba?"

Tumango ako sa kan'ya.

"Alam mo bang sinabi ng mga eksperto, ang tunay na diyamante raw ay 'yung mga may lamat, may sira at hindi kagandahan. Real diamonds are those flawed one. Parang ikaw, kung tingin mong hindi ka nababagay sa akin dahil maraming kang flaws, hindi mo lang alam ikaw ang diamond ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at bahagyang hinimas ang palasingsingan ko.

"Miss, magkano po 'to?," tanong niya sa cashier. Itinuro niya ang diyamanteng may lamat.

"12,000 po iyan pero ito pong isa 5,000 lang po."

"Kuhanin mo na lang 'yong mas mura. Parehas lang naman 'yan."

Umiling siya sa akin.

"I can buy that one, pero tingin mo ba mas gugustuhin ko bang bumili ng peke kasya sa totoo? Mas maganda nga ang isang'yan pero hindi naman totoo. I'm willing to keep a real one kahit na sobrang pangit o kaya'y maraming gasgas at lamat atleast totoo. Like you. 'I'm willing to choose you all over again so choose to be real, Sammy. Kahit na maging worst ka pa kaysa sa inaasahan ko basta't totoo ka, mamahalin kita."

"Aldrin?"

"So what do you think? Anong dapat kong piliin? Sinong dapat kong ikeep sa kanilang dalawa?"

Umaktong akong nag-iisip. Napangiti ako nang nakita ko rin ang ngiti niya.

"I think you should choose that flawed one."

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon