"Babe, punta tayong mall", yaya ko kay Fabio.
Syempre hindi niya ako matiis kaya pumayag siya. Nang makarating kami, halos magtatalon ako sa kan'ya nang makitang may 50% off pala sa National Bookstore.
"Babe, doon tayo sa NBS! Bibili ako ng libro!", sigaw ko sabay hila sa kan'ya.
Tinulungan niya akong pumili ng libro kaya heto may bitbit akong 15 books papuntang cashier.
"P3,750 po ma'am", sabi ng cashier kaya napatingin ako kay boyfriend.
"P3,750 daw. Hindi mo ba narinig?", tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang lumayo sa akin.
"Akala ko ba bibili ka?", hindi makapaniwalang tanong niya.
"Huh? Sabi ko, babe ibili mo ako ng libro", sagot ko. Wala na siyang nagawa kung hindi magbayad. Paglabas namin, hindi niya ako pinapansin kahit na anong gawin ko.
"Babe, galit ka ba?", tanong ko habang sinusundot-sundot siya. Umismid lang siya.
"Libre nalang kita ng lunch, tara?", pag-aalo ko.
Nang mag-order kami, natawa ako kasi tubig lang daw sa kanya. Ayaw niyang umorder kahit simpleng ice cream lang.
"Libre ko nga!", natatawang sabi ko. Buti nalang napilit ko din siyang mag-order.
"P1,237 po ma'am", napatingin ako kay boyfriend kaya nag-iwas naman siya ng tingin.
"Buti pa yung nag-order kanina, nilibre no'ng boyfriend niya", pagpaparinig ko.
"Tangina", narinig kong bulong niya. Naiinis na kinuha niya ang wallet at wala rin siyang nagawa kung hindi magbayad.
Pagkatapos kumain, niyaya ko na siyang umuwi. Habang naglalakad kami, napahinto ako nang makita nag nakahilerang damit sa kalsada.
"Babe, bagay sa akin 'yong red dress", sigaw ko. Pupuntahan ko na sana nang buhatin niya ako.
"Tumigil kana babae, wala na akong pera", gigil na sabi niya.
Tumahimik na lang ako at hindi na kumibo hanggang sa naramdaman kong napabuntong-hininga siya. Ibinaba niya ako at hinawakan sa mukha, pinaharap sa kan'ya.
"Saan ba 'yong red dress na 'yan?," tanong niya habang lumilinga-linga sa paligid.
Napangiti ako nang marinig ko ang kan'yang sinabi.
"P5,250 po lahat sir", sabi ng cashier.