"We have to lie, Jameica. We have to lie to save us."
Hindi tanggap ang relasyon naming dalawa ni Axel. Kahit mahigit limang taon na kaming magkasintahan, alam kong marami pa rin ang tutol at ayaw sa relasyon namin.
Sino ba naman ang tatanggap sa akin? I'm a total opposite of him. Pangit, mataba, maitim, mahirap, kumbaga, unideal, samantalang siya, mayaman, may itsura tapos idagdag pa na sobrang bait niya. Kahit na sino ay tiyak na magkakagusto sa kan'ya.
"I'm nearly dying, tita. Hayaan n'yo na akong makasama si Axel habang nabubuhay ako." pagsisinungaling ko sa kan'ya. I even cried in front of her to believe me. Alam kong kinausap na niya ang anak at pinaghihiwalay na niya kami.
I gave her a copy of my medical certification kung saan nakalagay doon na may stage 3 breast cancer nga ako. My mom died due to breast cancer like my grandmother kaya hindi siya manghihinala.
I expected sympathy from her but to my dismay it didn't happened, instead she looked at me with her eyes, full of hatred.
"You should leave my son right now, Jameica. Mahihirapan lang siya sa sitwasyon n'yo kapag nagkataon. You should spend your remaining time with your family. Axel can live without you. Ibang babae ang nababagay sa kan'ya, hindi ikaw."
I immediately reported it to Axel. We were both disappointed as usual. He held my hand and forced me to look at him.
"We have to lie, Jameica. We have to lie to save us."
We, then settled with our planned B.
Umalis ako ng bansa para pumuntang Abu Dhabi, kunwari'y magpapagamot ako roon, pansamantala muna akong lalayo sa kan'ya habang inaayos pa niya ang lahat. Mahirap man pero titiisin ko para hindi siya mawala sa akin.
There, I met Abdul Farid, my boss, na isang Arabian citizen.
With Abdul Farid, I felt nothing but happiness. Ramdam kong tanggap niya ako sa kahit anong itsura ko. Kahit na amo ko siya, hindi niya ako pinapabayaan. He even asked me if he can court me. Ramdam kong mahal niya ako.
Inaamin kong pansamantala kong nakalimutan si Axel dahil sa kan'ya. Abdul Farid is a complete opposite of Axel.
Madali ang naging buhay ko nang makasama ko siya.Wala na akong kahihiyan na nararamdaman sa tuwing kasama ko siya lalo na't hindi rin siya ganoon pansinin ng mga tao. Naging malaya ako sa panghuhusga at pangmamaliit ng mga tao.
Abdul Farid always brings me on a date. Lahat ng gustong maranasan ng lahat ng babae, sa kan'ya ko naramdaman. Kumakain kami sa labas ng dalawang beses sa isang lingo. Idinadala niya rin ako sa mga paborito niyang pasyalan kapag may libreng oras kami.
Naging masaya ako sa kan'ya. Pero tulad ng lahat ng kwento, lahat may katapusan, malapit nang mapaso ang working visa ko. Uuwi na ako sa Pilipinas.
"Ayaw ko ng maranasan mo ulit kung anong naranasan mo noon, Jameica."
Pumayag ako sa gusto ni Abdul Farid. Alam kong kahit ako man ay ayaw ko ng maranasan ulit ang panghuhusga ng mga tao. Gusto kong maging malaya kami ni Axel kapag bumalik ako.
Like what Abdul Farid planned, I undergo an operation, plastic surgery to be specific. Pinalitan lahat ng parte ng mukha ko. Mula sa mata hanggang sa labi. Masakit sa una, pero kinaya ko para sa sarili ko. Naging maayos ang operasyon ko.
"Open your eyes, Jameica," rinig kong sabi ng doctor. I slowly opened my eyes. Napaiyak ako ng makita ang itsura ko. Tiyak kong ito ang mukhang matatanggap ng mga tao.
Within my remaining days, nagawa kong mag-exercise para pumayat at uminom din ako ng slimming pills para makasigurado.
Sinigurado kong bago bumalik ng Pilipinas, bagong Jameica ang makikilala nila.
"Ma'am saan po kayo?," tanong ni manong tsuper. Wala pa ring pagbabago, mausok pa rin pala ang Pilipinas.
"Sa unang subdibisyon lang po, Manong."
Nakaramdam ako ng lungkot sa kaalamang nagkaroon ng bagong nobya si Axel, noong panahong wala ako. Nakilala raw niya ito sa social media. Balita ko nga, gustong-gusto raw ito ng kan'yang ina kaya ipinapagtuloy niya ang pakikipagrelasyon dito kahit kami pa. Maganda nga raw ito at balingkinitan ang katawan, malayong malayo sa itsura ko. Alam kong may mali rin ako dahil naging masaya rin ako sa iba habang nasa malayo ako.
'Kanina ka pa hinihintay ni mama'
Nakatanggap ako ng text mula sa kan'ya. Napangiti ako, tiyak akong matatuwa si tita na makita ako.
Bahagya kong inayos ang pagkakatali ng aking buhok habang naglalagay ng kaunting kolorete sa aking mukha. Ilang minuto lang palabas na ako sa condo unit ko para puntahan sila.
"Ariana!,"sinalubong kaagad ako ng yakap ni tita, pagkapasok ko pa lang sa kanilang bahay. Nakita kong pababa naman ng hagdanan si Axel nang dumating ako. Bahagya pa siyang kumindat nang makita ako. Napatawa tuloy kami ng wala sa oras ni tita.
"Kumusta ang biyahe, hija? Saan ka ba namamalagi ngayon? Pupwede namang pumarito ka muna habang narito ka sa Pilipinas. Alam kong hindi ka sanay dito," pag-aalala ni tita. Tumango lang ako sa kan'yang sinabi, ayaw nang pahabain pa.
"Ayos lang po ako sa tinutuluyan ko, tita."
Napangiti naman siya sa naging sagot ko.
"Napakagandang bata at napakabait pa, hindi tulad kay Jame---"
"Ma!," kaagad siyang pinutol ni Axel. Nagtaas lang ng kamay si tita, tanda ng pagsuko.
"Sige maiwan ko muna kayo. Halatang gusto n'yong makausap ang isa't isa," kinikilig na sabi nito. Bakas pa rin sa kan'yang mukha ang saya dahil narito ako ngayon.
Hinintay naming makaalis muna si tita bago ako hinila ni Axel palapit sa kan'ya para sa isang yakap.
"I'm glad you're back, baby. I'm sorry."
Kumawala ako sa kan'ya at hinampas siya.
"Ang sakit kaya! Kung walang pain killer, ang hapdi ng mukha ko." Napatawa siya sa mga sinabi ko.
"Alam ko. I'm sorry." He kissed my cheeks.
"Pasalamat ka mahal kita, dahil kung hindi, aayaw ako sa plastic surgery no!," pagmamaktol ko pa.
"Ang ganda mo pala, Ariana.," panunukso niya sa kin, hindi pinatulan ang pagmamaktol ko.
Napanguso ako.
"Ako pa rin ito, Axel. I'm still the Jameica, you knew before."
"Hindi ka na nila masasaktan ngayon, Jameica, pinapangako ko 'yan.," paninigurado niya. Bahagya ko siyang kinurot sa kaniyang tagiliran para itago ang kilig.
"Alam ko namang mahal mo ako kaya mo nagawa 'yon," sagot ko.
"Syempre, hindi naman ako magpapanggap na arabo kung hindi kita mahal no."