It's been three months since we broke up.
Tahimik ako sa mga nakaraang buwan. Hindi ako nagsalita o nagpost ng kung ano tungkol sa ating dalawa.
Nalungkot ako. Nasaktan ako.
We didn't have a proper closure yet. Walang paliwanag ang nakarating sa akin. Hindi mo sinabi kung bakit ka nagloko. Hindi mo sinabi kung anong wala sa akin na nahanap mo sa kan'ya kaya ipinagpalit mo ako.
I never told my parents to hate you. Sa apat na taong pinagsamahan natin, nakikita ko kung gaano ka nila kagusto para sa akin.
Pero sabi nga nila, ang hindi pagkakaroon ng closure ay ang closure na mismo.
Ang hindi ninyo pag-uusap ay tanda na ng paghihiwalay ninyong dalawa at pagtigil na sa pag-asang baka pwede pa.
Those three months without you was been a hell to me. Umiiyak ako kapag gabi. Naglalasing ako kapag naalala kita. Tulog ng tulog para makalimutan ka.
Bigla kong napagtantong nakalimutan ko pa lang mahalin ang sarili ko habang minamahal kita.
Inayos ko 'yung sarili ko. Tinanggap kong wala ka na, hindi ka na babalik sa akin.
It was successful, actually. Nahanap ko 'yung contentment sa sarili ko muna. 'Yung kahit wala akong bago, alam ko sa sarili kong hindi na ikaw.
Pero bakit ngayong maayos na ako, saka ka pa babalik?
One day, my friends flooded me with a lot of messages. Lahat sila sinasabing gusto mo raw akong makausap. You were trying to contact me. Hindi mo nga lang magawa dahil binlock kita sa lahat ng social media accounts ko.
They were all excited, excited about us. Umaasa pa silang magkakabalikan pa tayo. Kung hindi man, baka ito na raw 'yung tamang panahon para sa closure nating dalawa.
I never replied to them. I distanced myself with everything. Inisip kong mabuti kung anong gagawin ko.
Not until, your message reached me. Nagmessage ka sa akin sa email address ko. Without thinking, I read it. Binasa ko 'yun hanggang sa magsawa ako.
I thought, you, messaging me again would make me happy. Akala ko kapag nagkaroon tayo ulit ng communication, magiging maayos ako. Pwede na kitang tanungin at baka masagot mo na lahat ng 'bakit' ko.
Pero, hindi.
Pakiramdam ko, mas lalong lang yatang sumakit.
Ibinaba ko saglit ang telepono para itigil ang pagtitipa. Huminga ako ng malalim upang mapigilan ang sariling umiyak.
Ilang sandali kong ginawa iyon bago ipagpatuloy ulit ang ginagawa.
Sa lalaking minahal ko, minamahal ko at patuloy kong mamahalin, kahit hindi na pwede.
To the guy who broke my heart,
For the past months, I'd questioned my worth. Naisip kong baka nagkulang ako. May mga hindi ako nagawa para sa'yo. Natanggap ko nang hindi na tayo pwede. Hindi tayo ang para sa isa't isa.
But why in a sudden, I felt hope again.
Okay na ako. Nakakamove-on na ako.
Nasabi ko na kay Lord na baka hindi ikaw ang itinadhana Niya para sa akin kaya pinili Niyang alisin ka sa buhay ko.
But then why? Why?
Why did you cancelled your wedding day?
Bakit hindi ka na magpapakasal sa kan'ya?