I WASN'T THERE BUT I WAS HERE

412 8 0
                                    


Hindi ko magawang ngumiti habang nakatanglaw sa maliwanag na sikat ng araw at hinihipan ng malamig na simoy ng hangin. Habang pinagmamasdan ang mga nadaraan, hindi ko magawang hindi samurain ang mga ala-ala naming dalawa.

Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa lugar na kahit kailan ay hindi ko inaasahang mapupuntahan ko. Marahil ay madaming tao doon ngayon sapagkat araw ng Sabado at araw ng dalaw. Tiyak na matutuwa iyon sa aking dala. Iniangat ko ito at bahagyang pinagmasdan na siyang dahilan ng pag-ngiti.

Hindi nakakatulong ang kabang aking nararamdaman ngayon habang papalapit sa aking destinasyon. Ito ang unang beses na pupuntahan ko siya na ako lang mag-isa at hindi ksama ang kan'yang ina. Unti-unti na ring namumuo ang luha sa aking mga mata na animo'y nakikisama sa nararamdaman ng aking puso.

Napapikit ako. Kasabay noon ay ang paglitaw ng isang imahe, ng isang babaeng nakangiti, akbay akbay ako na para bang ayaw akong mawala sa kan'ya.

Naalala ko pa noon ang mga tawa niyang kay-sarap pakinggan habang kumakain kami ng cornetto na binili namin sa may eskinita malapit sa Rotonda. 'Yung mga jokes niyang sa kanya lang bumebenta. Kapag pumupunta kami sa mga pasyalan para manood ng sine at hindi niya ako hinahayaang magbayad para sa kan'ya. Sa tuwing nag-aaway kami at ako lagi ang sumusuko dahil bumibigat ang aking puso sa tuwing hindi ko siya nakakausap. Kay-sarap nga na balikan ang mga iyon. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon, gagawin ko upang sa pagkakataong ito'y mas lalo na siyang pag-iingatan.

Isa din sa mga nagustuhan ko sa kanya ang pagiging mapagbigay niya. Bagama't masama ito para sa kan'ya, sapagkat maaaring siya'y hamakin ng iba, pero labis itong nagpasaya sa akin. Batid ko kasing kahit nag iipon siya para sa kaniyang pag aaral sa kolehiyo, nagagawa pa din niyang magkawang-gawa sa kan'yang kapwa.

Mahirap lang ang pamilyang kinabibilangan ni Hera. Bagama't nag iisang anak ay sakitin naman ang kanyang ama kaya't ang ina lang kumakayod para sa kanilang tatlo. Madalas tuloy siyang hindi nakakakain ng tanghalian, kaya't hinahatian ko siya.

Parehas na kaming Senior High School na ni Hera. STEM ako HUMSS naman ang kanyang kinuha. Magkaklase na kami since Grade 7 kaya hindi na kami halos mapaghiwalay. Idagdag pa na lagi kaming magkatabi sa upuan at lagging magkakopyahan tuwing may pagsusulit. Ngayon naman ay magkatabi lang ang aming classroom kaya't sabay pa din kaming nag-tatanghalian at nagmemeryenda tuwing alas tres ng hapon. Sabay din kaming naglalakad sa may uwian sapagkat magkalapit lang ang aming mga bahay.

Hindi tulad ng iba na halos lahat ng kabarkada ay pawang mga lalaki, si Hera lang para sa akin ay sapat na. Hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba para kaibiganin ko. Kaya naman madalas kaming napagkakamalang magkasintahan noon kahit magkaibigan lang talaga kami. Natatawa na lang ako habang, siya naman todo pula ang kanyang mukha. Madalas din akong tuksuhin noon na sobrang torpe ko daw at hindi ko siya magawang ligawan. Batid nilang gustong gusto ko noon si Hera. Kaya naman nang magkaroon ako ng pagkakataon ay umamin ako sa kanya. Noong una'y nilayuan niya ako ngunit kalaunan ay umamin din siya sa akin tungkol sa kanyang nararamdaman. Nahihiya lang daw sapagkat parehas kaming may malalim na pagtingin sa isa't isa.

Naging mabuti naman ang aming pagsasamahan ni Hera. May mga away kami ngunit agad din naming nagkakabati. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganoon kami.

Nagsimula na siyang manlamig sa akin sa kasagsagan ng Enero. Limang buwan na kami noon. Madalas na siyang hindi nagrereply sa aking mga texts pati tawag ko ay hindi na rin niya sinasagot. Hini na rin siya malambing tulad ng dati. Kaya naman naisipan ko siyang puntahan sa kan'yang pinagta-trabahuan.

Balak ko pa man din siyang sorpresahin noon ngunit ako yata ang nasorpresa. Nakita ko siyang nakikipaghalikan sa isang lalaking marahil ay kaklase niya. Nasa may parting tago sila ng kainan kaya hindi gaanong napapansin.

Hindi ako sumugod para komprontahin siya at itanong kung bakit niya nagawa sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya akong lokohin sa kabila ng pinagsamahan namin. Batid kong marahil ay masaya na siya sa iba. Bagkus ay kinuha ko lamang ang aking selpon at tinext siya.

"Hera, pinapalaya na kita. Alam mong kasiyahan mo lagi ang iniisip ko, pero sa oras na saktan ka niya at makita kitang luhaan, pinapangako kong babawiin kita mula sa kanya. Mahal na mahal kita"

Mula noon ay wala na akong narinig sna tungkol sa kanya. Hindi na rin niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag aaral. Isang araw, nabalitaan ko na lang na nagdadalang-tao na pala siya. Labis ako nasaktan ngunit ipinagsawalang-bahala ko lamang ito.

Natuto akong mamuhay mag-isa. Sinanay ko ang sarili ko hindi na dumipende sa ibang tao. Hindi na rin ako nangahas pang naghanap nang ipapalit ko kay Hera. Nag iisa lang siya sa puso ko, at wala ng iba.

Ipinarada ko ang aking sasakyan hindi kalayuan ng establisyimento. Bitbit ang isang kumpol ng rosas at isang teddy bear ay naglakad na ako patungo roon.

"Si Hera miss?" tanong ko sa lalaking nakasalubong ko, marahil ay isa siyang nurse rito.

"Sir nasa garden po, nagpapahangin."

"Salamat"

Nagtungo ako sa may garden kung saan naroon ang pakay ko. Nakita ko siyang inaalalayan ng isang nurse. Hawak hawak ang isang teddy bear na bigay ko sa kanya noong nakaraan.

"Hera."

Nilingon niya ako at pumalakpak. Nilapitan ko siya at pinagmamasdan habang siya'y abala sa kakausap sa isang manika.

"Baby, ang ganda ng buwan, gusto kong makita ng malapitan. Gusto kitang hawakan. Hintayin mo ako riyan."

Sayang, Hera. Kung naging matapang lang sana ako para ipaglaban ka, hindi sana mangyayari ito. Kung sanang inalam ko lang kung ano ang mga nagyayari sa'yo, hindi ka mawawala sa akin.

"Baby, I love you. Sorry sana mapatawad mo ako." sambit ko bago niyakap siya ng mahigpit.

Yes.I wasn't there para pigilan siya, para ipaglaban ka sa pagkakasala niya. Nailigtas man lang sana kita sa kan'ya. Iniligtas man lang sana kita mula sa iyong ama, na ginawang impiyerno ang buhay mo. Ngunit narito ako ngayon, para gabayan kang magsimulang muli. Mahal na mahal kita.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon