My father spoils me so much. He raised me with silver spoon in my mouth.
"Dad! Pupunta kami ni Alessa sa mall ngayon. Bibili ako ng bagong set ng make-up. Luma na kasi 'yong akin eh."
"Sweetheart, puwede pa naman 'yong mga 'yon hindi ba? Sa susunod nalang muna hija," he said then smiled at me.
"Dad! Did you hear me? Luma na nga, hindi ba? So that means hindi na puwede! C'mon dad! I need money! Hurry up!," I snapped.
"Sweetheart, alam mo namang nagtitipid tayo," mahinahon pa rin niyang sabi sa akin.
"What the heck?! Nagtitipid? Para saan pa't nagtatrabaho ka sa isang magandang kompanya kung titipirin mo lang ako? I wish nandito si mom. I know hindi niya hahayaang mangyari 'to!" I said then walked out.
My mom died after she gave birth to me. Lumaki ako na si daddy lang ang kasama ko. My dad treated me like a princess at lahat ng gusto ko ibinibigay niya. Isang sabi ko lang, ibibigay niya kaagad. But lately, hindi ko na maramdaman 'yon. Feeling ko, tinitipid na niya talaga ako. I don't get him. Nagtatrabaho si dad sa isang magandang kompanya with a high salary!
"Hey, Ally. Hindi ako makakasama because you know naman dad! Tinitipid na niya ako," I bursted out.
"What's wrong with your dad, Matty?," Ally asked.
"I don't know! Hindi naman siya ganyan dati. Nakakainis na! I'll hang up na tinatawag na ako ni dad," then I ended the call.
Lumipas ang mga araw, ganoon pa rin si dad. Minsan, binibigyan niya ako ng pera but still hindi pa rin sapat 'yon. Madalas na rin na umuuwi siyang pagod at umaalis din kaagad ng madaling araw. I wonder, baka may babae na si dad at hindi niya sinasabi sa akin! Maybe, I should find out by myself.
The next day, tulad ng nakagawian, maagang umalis si dad. Somehow, I noticed that this past few months, dad was not with his usual polo shirt, lagi nalang kasi siyang naka-white shirt. Naisip ko nga na baka kikitain niya 'yong babae niya. Buti nalang, nasabi ko kay dad na mamaya pang 10 am ang pasok ko, pero ang totoo, wala talaga akong pasok. Balak kong hulihin si dad at ang babae niya!
After kong mag-ayos, umalis na ako sa bahay at pumara ng taxi.
"Manong, sa Dillano Enterprises po."
Pagkarating ko ro'n, dumiretso ako sa receptionist. Napansin kong kaunti lang tao at first floor lamang ang bukas.
"Good morning ma'am! How may I help you?," salubong sa akin ng receptionist. Unang beses ko pa lang pumunta rito kaya siguro ay hindi niya ako kilala.
"I'm looking for my dad, Diego Castello. Where is he?," I asked.
"Wait a minute, ma'am. Let me check."
"Okay, miss. Thank you."
Minute passed nang muli siyang lumingon sa akin.
"According sa record namin ma'am, Mr. Castello is no longer working here. Almost two months na po."
Nagtaka ako.
"What? I don't know. Paki-check nga ulit miss," I commanded her.
"Sorry ma'am, pero wala na po talagang Mr. Castello na nagtatrabaho rito."
Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa. Nanlulumo ako sa nalaman ko. Kung hindi na roon nagtatrabaho si dad, nasaan siya kung gano'n? Hindi kaya nasa bahay siya ng babae niya ngayon?
Hindi ko na namalayan kung ilang minute akong naglalakad hanggang sa mapadpad ako sa palengke. Sari't-saring amoy ang naroon. Nariyan ang malalansang amoy iba't ibang uri ng mga isda.
Naglikot ang aking tingin upang hanapin ang daan palabas dito. Sa aking paglingon, nahagip ng aking mga mata ang bulto ng isang lalaking ni sa panaginip ay hindi ko inaasahang makikita ko rito.
Papa? Namamalik-mata lamang ba ako?
Akay-akay ang isang balde ng mga isda habang pawisan at halatang kanina pa bilad sa araw. Pawang nakatapak ang kanyang mga paa at nakikipag-sabayan sa agos ng mga tao.
Namalayan ko nalamang na nag-uunahan na pala sa pag-agos ang aking mga luha. All this time, I thought, everything was just fine. Akala ko, niloloko na ako ni dad pero ang totoo, niloloko ko lang pala ang sarili ko.
I'm sorry dad. Hindi ko alam. Sorry.
I run towards him and hugged him tightly. Halatang nagulat pa ito nang makitang akong yakap siya.
"I'm sorry, dad! I love you!," humahagulgol kong sabi.
"I love you more, sweetheart."
I realized that my father is one of the most precious gift that God has given to me. Because of this, I learned to appreciate his sacrifices for me. I know, what ever happens, he will always be the there for me, loving me unconditionally.