'Try to date a person who can make you laugh!
For example: me'
I shared that post with a caption, "Try mo ko! Ano? Tatamaan ka o itatag na kita?"
Natawa naman ako nang magcomment ang mga friends ko.
Jen Santos: Mention mo na Cyril!
Felicity: Hindi! Tag mo na siya Cy!
Nagreact lang ako ng 'haha' then nagbrowse lang ng feed.
'Galaw-galaw naman kwass, tayo nalang nahuhuli e'
Again, I shared that post with a caption, "Tamaan kana kasi"
'So ano tayo na ba?'
Natawa ako kaya I shared it. Then naglagay ako ng caption na, "Tatamaan ka o itatag kita?"
Puro haha lang reacts ng friends ko, alam kasi nilang malabong matamaan si kwass. Paano kasi magkakagusto na nga lang ako, sa nerd slash bookworm slash top 1 pa naming classmate na si Peter. Libro lang yata mapapansin non e!
"Cyril kakain na", si mama. Kaagad kong binatawan ang phone ko at pinuntahan na si mama.
After 15 minutes, bumalik ako sa pagcecelphone. As usual, puro group chat lang at notif ng mga nagrereact sa post ko.
Pero literal na nanlaki ang mata ko nang makita ang isa sa mga notif ko.
"Peter Hanson tagged you in a post"
'Tigil kana kakashare. Oo na, tamang-tama na ako sayo'