Sabi nila, ang mga babae raw ay parang adobo, kulang kapag walang toyo. Swerte nalang kung makakahanap sila ng sukang babagay sa pagiging toyo nila.
Lander was my first boyfriend, my first in everything. With my twenty years of living, he was the first man who came into my life. Siya ang unang lalaking nakabihag ng puso ko.
At first, sobrang nangapa ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Should I text him first in the morning? Should I visit him in his room? Ibibili ko ba dapat siya ng almusal?
I even did a research on internet. How to be a good girlfriend? Paano magpatagal ng isang relasyon? How to make a man stay? Paanong hindi siya mawala at mafall out of love?
Sobrang hirap pala kapag una. I never had a mutual understanding to anyone before. Siya pa lang talaga.
"Love, anong gusto mong ulam? Ipagluluto kita!"
One time, I tried to cook for him. Adobo ang niluto ko noon pero hindi rin niya nakain dahil sobrang alat. Hindi rin naman siya nagreklamo at pinirito nalang ang mga manok para hindi sayang.
"Via, relax."
Hinaplos nito ang kamay ko, pampalubag ng loob.
"Sabi ko naman kasi sa'yo, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong gawin lahat. You don't have to be a perfect girlfriend because for me, you're already the best. Kahit ganiyan ka, kahit ano ka pa, mamahalin pa rin kita."
Inalalayan niya ako throughout our relationship. Sa assurance na iyon, nagpakatotoo ako sa sarili ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong maging ako. At doon ko narealize, pinahirapan ko nga lang pala talaga ang sarili ko.
Tinigilan ko ang pag-aaral na magluto. Puro prito lang lagi ang ibinibigay ko kapag nagpapaluto siya.
Hindi na rin ako nag-alarm pa ng maaga para lang maitext siya bago pumasok sa eskwela. Hindi rin ako madalas bumisita sa room niya lalo na kung busy at hinahayaang siya ang unang pumunta sa akin.
Isa pa sa lalong nagpahulog sa akin sa kan'ya ay ang hindi nito pagpilit sa akin na gawin ang isang bagay na ayaw ko. Alam nito ang limitasyon sa relasyon namin.
Takot ako sa heights kaya iniiwasan nito ang dalhin ako sa mga matataas na lugar.
Alam niyang hindi ako umiinom at kahit minsan ay hindi nito ipinilit na subukan ko. Minsan pa nga ay nasasabihan pa kaming KJ dahil panay ang tanggi.
Kapag busy ako sa eskwela, iintindihin niya ako. Hindi siya kailanman nagreklamo na puro pag-aaral ang inatupag ko.
At higit sa lahat, ipagpapaalam ako nito sa magulang ko kapag may date kami at susunduin ako sa bahay.
Okay na sana eh. Kung iisiping mabuti, malapit na sa perfect ang relasyon namin, kung hindi nga lang nag-eexist ang change.
Noong umabot ng tatlong taon ang relasyon namin, nakaramdam na ako ng pagbabago sa kan'ya.
"Via naman, tatlong taon na tayo. Hindi na siguro bago sa'yo 'to para magdemand sa akin ulit na intindihin kita, 'diba? Ngayon lang, huwag ka ng mag-inarte."
Pinipilit kasi ako nitong umakyat ng bundok. Nagkayayaan silang magtotropa at isasama kaming mga girlfriend nila. Dalawang araw din niya akong hindi kinibo kaya sa huli ay pumayag na lang ako. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan iyon at nakauwi pa sa amin nang maayos habang siya, nakipag-inuman pa sa tropa.
Noong sumapit naman ang birthday niya, he obliged me to cook for his friends. Darating daw ang mga ito at ipinagmalaking magaling akong magluto.
"Alangan sabihin kong prito lang alam mo, edi napahiya ako. Madali lang 'yan, magtingin-tingin ka nalang sa internet. Susundin mo lang baka pumalpak ka pa, ah? Matalino ka pa naman."
Sa huli'y 'yong prito lang din ang nakain nila dahil palpak nga ang ibang naluto ko. Ang ending, halos ipagtabuyan na ako nito sa condo pagkaalis ng mga kaibigan niya. Ginawa ko raw siyang katatawanan sa harap ng mga ito.
Akala niya siguro ay hindi ko napapansin ang pagiging plastic nito tuwing nasa harap ng mga magulang ko. Todo puri pa sa kan'ya ang mga ito, ang swerte ko raw dahil siya ang naging boyfriend ko. Hindi lang nila alam kung paano ako kayang tiisin at pabayaan niyan kapag nakatalikod sila. Kung dati ay sa bahay ako nito inahatid, ngayon ay sa kanto nalang dahil may laro pa raw sila. Hinahayaan nalang niya akong maglakad kahit ako lang mag-isa sa gabi.
Narealize kong sa isang relasyon, walang una, walang bago-bago. No matter how many relationships you have been into, or it was your first time, nasa inyo pa ring dalawa kung paano ninyo ihahandle iyon.
Akala ko ay siya na ang suka na babagay sa pagiging toyo ko at kokompleto sa aking adobo. Isa rin pala siyang ingredient na magpapaalat dito.
Boys are the metaphors of the society. Sa una ay sasabihin ng mga ito na magpakatotoo ka lang sa sarili mo pero sa huli ay ipipilit pa rin nila na umayon ka sa mga standards nila.
"Sabi mo, hindi ko kailangang maging perfect girlfriend? Na ako na 'yong the best para sa'yo? Akala ko, mamahalin mo pa rin ako kahit ganito ako?"
Kung dati ay yayakapin ako nito kaagad kapag umiiyak ako, ngayon ay kadramahan ko na lang lahat ng 'yon. Napailing siya sa mga tanong ko.
"Alam mo, Via, kung gan'yan ka, walang magtatagal sa'yo."
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
القصة القصيرةCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.