SOON TO BE MRS. AYALA

461 14 0
                                    


'Ano ang magiging future surname mo?'

Kasalakuyan akong naglalaro ng online game sa Facebook na LOL. Ilang saglit lang, lumabas ang result.

Ayala
143%

Lopez
89%

Garcia
11%

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang makita kong Ayala ang nangunguna. Magiging asawa pala ako ni Rafael Ayala IV na ultimate crush ko!

Kaagad kong pinindot ang SHARE button at syempre ti-nag ko siya with a caption, "Hi Mr. Ayala"

'This has been shared to your timeline'

Pipindutin ko palang sana ang home button nang mag shut down ang phone ko. Lowbat na pala.

After kong kumain, nag online ulit ako. Napakunot-noo ako nang maraming nag comment.

Aryan: Akala ko ba si Raffy?
Debby: Si Kuya Paeng na pala girl?
Katya: Si Kuya na?
Peter: Dude! May chicks kana pala

Nanlaki ang mata ko nang makitang hindi pala si Raffy ang na-tag ko, kung hindi ang kuya Paeng niya. Bakit naman kasi Rafael Ayala III ang napindot ko? Mas lalo pa akong kinabahan nang nagreact siya ng heart.

Paktay!

"Berlyn!", rinig kong tawag sa akin ni kuya.

"Po?", sagot ko.

"Bili ka nga Emperador sa tindahan, darating daw si Paeng", utos niya.

"Bakit daw kuya?", kinakabahang tanong ko. Shit! Magkaibigan nga pala sila ni kuya.

"Ewan ko, kakatawag lang niya. May pag-uusapan daw kami"

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon