I was on my 11th grade when I met him, sa Jollibee. Valentine's day noon kaya halos couples ang mga kasabayan kong kakain doon. After kong makuha 'yung pagkain ko, pumwesto ako sa pinasulok na parte ng kainan, malayo sa mga nagdidate na magkasintahan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang huminto siya sa harap ko. Syempre, napatingin ako sa kan'ya. Tanda ko pa kung paano siya nahihiyang ngumiti sa akin bago nagtanong kung pwede raw ba siyang maki-share ng table, pumayag naman ako.
Migs. Iyon ang pangalan niya.
Nagkwentuhan kami tungkol sa maraming bagay. Nalaman kong taga-roon lang din pala siya, magkaiba nga lang kami ng pinapasukang paaralan.
Dahil parehong mag-isa, nag-date kaming dalawa. Yes, he took me on a date. At first, I was scared because he's a stranger to me and he might do something bad. Pero kalaunan, pumayag na rin ako.
Hindi tulad ng inaasahan kong date, hindi niya ako niyaya sa mall para manood ng sine o kaya maglaro sa world of fun, bagkus dinala niya ako sa mga parke para maglakad-lakad at kumain ng street foods kalaunan.
"Ganito nalang, 'pag nagkita tayo ulit, liligawan kita."
Hindi niya sinabi ang buong pangalan nito pati na rin ako. Wala kaming alam sa isa't isa maliban sa first name namin. Sabi niya, hayaan daw namin na pagtagpuin kami ng tadhana ng hindi sinasadya at pinagpaplanuhan.
Simula noon, hindi na kami nagkita pa. Medyo malayo rin kasi sa eskwela namin ang sa kanila.
Sumunod na taon, grade 12 na ako, nakasama ako sa mga kalahok para sa journalism. Parehong kasama sa mga eskwelahang kalahok ang sa amin kaya kahit papaano, umasa akong makikita ko siya.
"Tingnan natin 'yung gwapo sa kabilang school! Balita ko, single pa raw siya. Kunin natin yung pangalan niya!," hiyawan ng mga kasama ko. Nasaway tuloy sila ng adviser namin.
Sumama ako sa kanila tutal isa rin naman 'yon sa mga plano ko, ang maghanap ng gwapo. Umakyat kami sa ikalawang palapag at dahan-dahang sumilip sa room nila. Mabuti nalang at may mabait kaming napagtanungan ng pangalan niya.
Miguel daw ang pangalan kaya lang taken na raw siya.
"Walang pang girlfriend pero may pinangakuan na 'yan. Na love at first sight do'n sa babae."
Hindi ko nakita 'yung mukha niya kasi nakalikod 'yung lalaki. Kausap rin niya 'yung isang lalaki kaya hindi kami napapansin.
"Miguel, may naghahanap sa'yo!," biglang sigaw ng kausap namin. Nataranta ako kaya kaagad na lumayo sa pinto at nagkunwaring nakadungaw sa baba.
"Bakit?," rinig kong tanong ni Miguel. Hindi sumagot yung dalawang kasama ko bagkus kinikilig na humiyaw lamang sila. Sa hiya, lumingon ako sa kanila, hihilahin na sana paalis doon.
"Tine?"
"Migs?"
For the second time, nagkita kami ulit.
First year college, hindi niya ako niligawan. He courted my parents first. Sa apat na taon sa kolehiyo, linggo-linggo siyang bumibisita sa bahay, nagdadala ng pagkain imbes na bulaklak. Lumalabas rin kami minsan, manonood ng sine at mag-uuwi ng pagkain para sa magulang.
After college, doon niya ako niligawan. Pareho na kaming may trabaho at kumikita na. Dalawang taon muli ang lumipas bago ko siya sinagot. He didn't complain and waited for me for years.
"Mrs. Cristine Fuentes-Salcedo," mahinang bulong nito sa akin.
At the age of 27, he married me. Nagkaroon kami ng kambal na anak, kinalaunan.
Years had passed, senior citizen na kaming pareho. Yet, I'm still in love with him.
I'm still in love with the man I met when I was 17.
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Cerita PendekCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.