"Bal saan ka na?" naiinip kong tanong sa kanya. Dalawang oras na akong naghihintay dito sa may harapan ng Jollibee. Sa pagkakaalam ko kakatapos lang ng business trip niya, kaya naisipan kong itreat siya sa favorite restaurant namin dahil miss na miss ko na siya at matagal kaming di nagkasama.
"Sorry bal. Busy ako e." sagot niya.
"Sige sige. Ingat ka." dismayadong sagot ko sabay baba ng tawag. Pumasok ako sa loob. Mukhang mag isa kong icecelebrate ang 6th Anniversary namin.
Umorder ako ng large fries, burger and drinks at naupo sa may bandang gilid tulad ng nakasanayan naming dalawa pag magkasama kami. Kaharapan ko ay isang magkasintahan. Napangiti ako. Kung nandito lang sana si bal.
Habang kumakain ako, napansin kong sinawsaw nung babae yung fries niya sa ice cream. Ganyan na ganyan din si bal e. Mahilig sa fries at ice cream combination.
Nakita ko din paano yakapin nung guy yung babae. I can see how sweet they are, wishing na sana ganyan din kami ngayon.
His eyes are full of adoration and happiness while looking at her girl. Napangiti ako lalo. Kasing ganda niya siguro si bal. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng burger ko nang magkatinginan kami nung babae. Nagulat ako. Maganda nga yung babae tulad ng inaasahan ko. Her eyes are full of unfolded emotions, yung tipong mapapatitig ka talaga. I then somehow realized how lucky the guy is for having this such a wonderful girl I am seeing right now.
Suddenly my phone beeped, receiving a text message.
From: Bal
I'm sorry bal.
Napailing ako bigla. I looked at the girl for the last time, bago ako tumayo at napagpasyahang umalis.
6 years bal. 6 years. Pinatagal mo pa.
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Historia CortaCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.