THAT GIRL CAUGHT MY HEART

430 10 1
                                    

PART 3

Maybe, many of you will call me scumbag for getting another man's girl, but what can I do? I'm really head over heels in love with Angeline.

Bakit naman kasi sa dinami-rami ng babae sa mundo, bakit sa kan'ya pa ako nagkagusto? Obvious naman na maaaring hindi na niya ako mapapansin dahil may mahal na siyang iba. Nakakabakla mang sabihin pero hindi mo naman matuturuan ang puso kung sinong dapat niyang mahalin. Isa pa, hindi naman mali ang magmahal. Ang mali lang doon kapag wala kang ginawa para makuha siya.

Pagkauwi, agad kong binuksan ang laptop para magsearch sa google. Hindi ako sumama sa barkada ngayon para lang gawin 'to. Sinabi ko nalang na pupunta ako sa supermarket with my mom para hindi na pilitin pang sumama. For the meantime, si Angeline muna ang priority ko tsaka ko na sasabihin sa kanila ang plano kapag mayroon na.

'HOW TO WIN A GIRL'S HEART IF SHE ALREADY HAD A BOYFRIEND?'

Searching...

Never kong naisip na balang araw, magagawa ko ang isang 'to. I grew up not believing in the essence of true love. Naghiwalay ang mga magulang ko when I was only three dahil nakita nalang nila ang mga sarili na hindi na mahal ang isa't isa. Kahit na madami pa ang nagsasabing gusto nila ako, I know their feelings will eventually fade in time. Nothing lasts forever.

Akala ko noong una, it was just a simple crush, mawawala rin ito kaagad. But as time goes by, napapansin ko na lang na mas lalo na akong nahuhulog kay Angeline.

It was like in a fictional story, sa parteng para bang ginayuma niya ako sa bawat egg pie na tinitinda niya at binibili ko.

I kept browsing on it until I saw one video of a girl explaining on what to do if the girl you like already had a boyfriend but you still want her. Agad kong pinindot iyon at ilang sandali pa, napangiti na ako.

I immediatley grab a piece of paper and wrote something on it. I think I already had a plan.

The next morning, maaga akong pumasok sa eskwela. I prepared myself for this. Hindi nga ako natulog para maisagawa ko ito ngayon.

"Pre, nandiyan na si Angeline. Hindi ka pa ba bibili ng egg pie?," it was Rocco. Inilabas ko ang maliit na papel bago ako tumayo para bumili.

RULE NO. 1: DON'T TALK BADLY ABOUT THE GUY.

Some will suggest that I should know who's my opponent is, but this is not about him because it is about her. Kaya dapat wala akong pakialam sa kan'ya. I shouldn't compare myself to him. Hindi ko dapat sabihin na mas lamang ako sa lalaking 'yon because that might be an insult for her and it will only shows that I don't respect her choice of a guy.

"Limang egg pie nga," si Angeline ang nagtitinda ngayon. Ngumiti siya sa akin bago kumuha ng limang egg pie.

"Naku hija, lagi na lang tumatawag sa'yo 'yang si Ronnel. Mukhang hindi na kayo mapaghiwalay na dalawa." Biglang sumulpot si Manang Soli. Bumaling naman si Angeline sa kan'ya. "Naku hindi naman po manang, susunduin naman po niya ako mamaya. May pupuntahan kami."

Tumingin siya sa akin matapos sumagot. Humalakhak naman si Manang Soli.

"Mukhang magdi-date na naman kayong dalawa." Ngumiti lang si Angeline sa sinabi nito.

Kahit kating-kati na akong tanungin si Angeline kung sino si Ronnel, pinigilan ko ang sarili ko. Naiirita lang ako na lagi siyang ngumingiti ngayon. Masyado ba siyang inspired kay Ronnel?

"35 pesos, Hunter."

Nagbayad ako sa kan'ya at walang lingong bumalik sa mesa namin.

"Palangiti ngayon si Angeline ah," tukso ng isa. I just glared at him.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon