Nareport na naman ang account ko.
I'm Kael and I have a girlfriend named Khyla. Parehas kaming writer sa facebook at magkakilala talaga kami in person. Actually our relationship is almost 3 years now. People knew me as Echo Merced sa writing industry. Meanwhile, kilala naman sa pangalang Cayenne Scheele ang girlfriend ko.
I admit I'm a famous one. Hindi tulad ng girlfriend ko na bago pa lang. Kaya hindi na bago sa akin ang mareport. This month dalawang beses na akong nareport. Pero ayos lang as long as siya naman ang nagrereport sa akin. Yes. Si Khyla palagi ang nagrereport sa akin. She actually had an another account. Nakita ko siyang ginagamit 'yon ng minsang magkasama kami. Hindi ko sana papansinin kasi lalaki naman siya roon but I saw something in her notifaction.
'You reported Echo Merced'
Muntik na akong matawa nang makita 'yon. I didn't tell her, bahala siyang ireport ako palagi. I know it's not because she envy me. Ramdam kong suportado niya ako sa pagsuslat. Maybe, she's just jealous kasi madami akong admirers.
One day, Christmas vacation, bigla na lang siyang nakipag-break sa akin. Kakagawa pa lang ng account ko kasi nireport na naman niya. She reasoned out na mayroon na daw siyang nagugustuhang iba. No'ng una, kinabahan ako kasi mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala sa akin pero no'ng sinabi niya kung sino, humagalpak ako ng tawa. She's in love with Nathan Writes, her second account! But despite of that, I still beg na huwag niya akong iwan kasi mahal na mahal ko siya pero kumalas pa din siya. I know she just wanted us to get even. Gusto niyang magselos din ako!
Kinagabihan, Nathan Writes updated their relationship status. I reacted sad on it. I also commented,
'I'm happy for you Khy :<'Day by day, Nathan flexes her. He tags her sa mga sweet posts. He even spoiled her with vcs 'kuno'. Ako naman, todo react lang ng sad para kunware nasasaktan ako.
One time, naisipan kong gumawa ng another account. Babae naman ako rito but to clarify things, hindi ako gaganti kay Khyla, gusto ko lang talagang subukan. I named her, Naih Writes.
Everyday, ginagamit ko 'yon para magcomment sa mga post ko. Like,
'I love you papi Echo!'
'I will always support you no matter Echo'
and many more.Kaya naman nagulat ako nang bigla na lang nag friend request si Nathan Writes sa akin. I accepted him. Para updated pa din ako sa kanila ni Khyla kahit si Naih gamit ko.
Kinagabihan, nagchat sa akin si Nathan.
Nathan Writes: Hi
Naih Writes: Hello po
Nathan Writes: Pwede ba akong manligaw miss?
Tawang-tawang ako nang mabasa ko iyon, like isa na naman ba 'tong katatawanan niya.I even got nervous na baka alam na niya na ako ito kaya liligawan niya ako, but I still let him to court me. Nakipag-break daw siya sa girlfriend niya kasi mas gusto niya ako. Everyday, magkachat kami ni Nathan. Tapos ako, kunware nahuhulog na sa kan'ya. Well, this is my Khyla, after all.
Sa ngayon, kami na ni Nathan. Yes. Nathan Writes is now in a relationship with Naih Writes. Sa akin pa rin naman ang bagsak niya kahit na anong mangyari. Kami naman ni Khyla, we're still in the process of getting back with each other. I think we need time to make things right again. Tsaka mukhang mas nage-enjoy naman siyang landiin ako dito. This time, ako naman ang babae, at siya naman ang lalaki, ako naman ang magtotoyo, ako naman ang magpapabebe gaya niya at tapos siya naman ang susuyo sa akin!
Besides, through this, gusto ko din namang marealize niya kung gaano ako ko siya kamahal na kahit ano kaya kong gawin para sa kan'ya even though, siya pa ang pinaka kritikal na girlfriend na mayroon ako.