"Raven Policarpio, 3 points!"
Naririnig ko ang malakas na hiyawan ng mga manonood matapos kong maipasok ang bola. Isa ako sa mga sikat na varsity player ng school. Sanay na rin ako sa mga sigawan ng mga babae tuwing naipapasok ko ang bola.
"Boyfriend ko yan!," isang matinis na boses ang umagaw ng pansin ko. Napailing nalang ako nang makita siya, kahit kailan talaga. May hawak itong banner na may nakasulat na pangalan ko.
Meet my girlfriend, Erich Valmonte.
My big boss.
"Hindi ka pa raw kumakain?," she asked me one time.
"Hindi pa e, tatapusin ko pa kasi ito," I answered. Kasalukuyan akong guumagawa ako ng layout designs sa bahay nang bigla niyang isinara ang laptop. Napatingin ako sa kanya.
"Kakain ka muna. Pinagluto kita," she smiled sweetly. Alam kasi niya na kapag nilambing na niya ako, hindi ko siya matatangihan.
Manipulative yet she's the sweetest.
"Babe, ikaw daw top sa class n'yo?," salubong nito sa akin.
"Hindi pa naman sigurado iyon. Bukas pa malalaman," sagot ko.
"Kahit na! Para sa akin, number 1 kana agad," she cheered.
My number 1 fan. Iniisip ko na baka siya nga yata founder ng mga fandom ko sa school.
"Babe, hindi ka na raw sumali ng play?"
"Napilitan lang ako ro'n, hindi naman talaga ako magaling," I answered.
"Anong hindi magaling? Ikaw kaya ang best actor para sa akin. Sali kana! Siguradong bagay sayo yung lead role."
She always brings out the best in me. Yung tipong akala ko, hindi ko kaya, nakakaya ko.
Whenever I'm down, she will lift me up. Whenever nawawalan ako ng gana sa sarili ko, nariyan siya para yakapin ako at sabihing magiging maayos din ang lahat.
Pero sa lahat ng iyon, at the end, I still chose to break her heart. Pinili ko pa ring saktan ang isang taong walang ibang ginawa kungdi mahalin ako.
"Babe, naalala mo si Georgia?," I asked her.
Tumango naman siya. "Yung bestfriend mo? Napano siya?"
"Buntis siya. Magiging d-daddy na ako."
---
Sinampal ko siya. Hindi ako tumigil hanggang sa mapagod ako.
Paano niya nagawa sa akin iyon? Saan ba ako nagkulang? I gave everything to him but I think, I'm still not enough for him.
He impregnated his best friend, Georgia. All this time, akala ko totoo siya sa akin pero niloloko na lang pala niya ako.
I supported him in his every basketball game. I even exerted efforts para gawan siya ng banner. Hindi ko alintana na pinagtitinginan ako sa loob ng gym, maisigaw ko lang ng malakas ang pangalan niya. Tiniis ko kahit mapaos ako at mawalan ng boses, masuportahan lamang siya.
Araw-araw ko siyang pinagluluto ng lunch dahil alam ko kung gaano katigas ang ulo niya. Mahilig siyang magpalipas ng gutom, matapos lang lahat ng layout designs niya.
I even helped him in doing his homeworks. Alam ko kasing tamad siyang mag-aral kaya pumupunta ako sa kanila para samahan siyang gumawa. Tamad din siyang mag-aral kaya lagi ko siyang nirereview. Well, all my efforts were paid off because he became their class top 1.
He likes acting. Kahit ilang ulit pa niyang sabihin na napipilitan siya, I know he really enjoys acting. I supported him with his plays.
Lastly, he has low self-esteem. I cheered him up and did my best to bring out the best in him.
I did everything but why? Paano niya pa rin ako nagawang lokohin?
Matapos ang araw na 'yon, hindi na kami muling nagkita pa. He tried to talk to me but I refused. Sarado na ang isip at puso ko para sa kan'ya.
"Ikakasal na raw sina Raven at Georgia, anong balak mo?,"one of my friends asked me. Umiling lamang ako.
Honestly, I still don't know what to do. Masyado pang sariwa para sa akin ang sakit. Anong aasahan nila na gagawin ko? Pupunta ako ro'n at pumalakpak para sa kanilang dalawa?
Pangarap naming dalawa 'yon. Ako dapat ang naroon at hindi ibang babae.
Sa huli, wala na rin naman akong magagawa. I should start learning to accept it. Tanggapin ko nalang na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Raven.
Maybe one day, matutunan ko ring patawarin sila. Sabi nila, forgiveness mended after acceptance.
I realized na sa buhay, may dalawang uri ng taong darating, yung isang taong para sa atin at yung isa, para magbigay lang ng lesson. Raven was just bound to give me lesson, hindi siya yung para sa akin.
But I think, sadyang mapagbiro lang talaga ang tadhana. Raven didn't show up in their wedding. Nalaman ko lamang iyon ng magpunta mismo ang pamilya niya at hinahanap siya. Hinalughog pa nga nila ang buong bahay dahil hindi sila naniniwalang wala akong alam.
They even asked me to go with them to the church. Sobrang iyak daw kasi ni Georgia at baka mapano ang bata. I agreed. Wala naman akong sama ng loob pero aaminin kong mahirap din para sa akin 'to.
Pagkarating namin sa simbahan, kaagad na hinanap ng mga mata ko si Georgia. Nagtaka pa ako nang wala siya roon. Bagkus, si Raven ang nakita ko.
"Tita, akala ko---," hindi na natuloy ang sasabihin ng biglang tumugtog ang themesong naming dalawa. Isang babae ang lumapit sa akin at nagbigay ng bulaklak. Nahihiya ko itong tinanggap lalo na dahil wala pa rin akong alam sa kung ano ang nangyayari. Dumagdag pa sa hiya ko na nakasuot lamang ako ng maigsing short at damit pambahay.
"Lakad ka na po," sabi pa ng bata bago umalis.
Naluluha akong naglakad. Binilisan ko na lang ang lakad at kaagad na nakarating sa harap ng altar.
"Ano 'to, Raven?," mabilis kong tanong sa kan'ya.
"Marry me."
Napaawang ang labi ko sa pagkamangha. Totoo ba ito?
"Papakasalan mo ako nang hindi naka-wedding gown?," tanong ko pagkuwan.
Tumango naman siya. "Yes, as long as you will marry me."
"Pero paano si Georgia? Nasaan nga pala siya?," hindi ko maiwasang alalahanin siya.
Hindi ito sumagot bagkus, hinawakan nito ang braso ko at iginaya papalapit sa harap.
"Let's talk about it later, baby. Nakakahiyang paghintayin si Father."
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Historia CortaCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.