"Sinong may boyfriend/girlfriend dito?", our teacher asked. Sabay sabay na nagtaas ng kamay ang mga kaklase kong feeling may jowa. Napairap ako samantalang napatawa naman ang aming guro.
"Anong klaseng jowa meron kayo? Sweet ba? Ml player?", tanong nito ulit. "Kwentuhan n'yo nga ako"
Unang nagtaas ng kamay si Camille.
"Ma'am ako po doctor jowa ko!", sabi niya.
"Doctor?"
"Opo. Kaya lang ibang puso na ang ginagamot niya"
Sabay sabay kaming napa 'aww' dahil doon. Napakalampag naman ng desk ang iba.
Sumunod si Cassandra.
"Ma'am ako po Engineer"
"Engineer?"
"Opo. Kaya lang ibang relasyon ang pinapatibay niya"
Napatawa kaming lahat. Sunod sunod na nagtaasan ang iba pa.
"Ma'am ako po Architect! So ayun ibang future na po ang iginuguhit niya", si Alyssa.
"Ma'am yung akin po Teacher! Kaya lang ibang tao na po ang tinuturuan niyang magmahal", si Era
"Yung akin naman Kape!", sabay sabay kaming napatigil nang marinig si Rhea.
"Kape hija?"
"Opo. Feeling strong, di naman niya ako kayang ipaglaban!" Napahiyaw kaming lahat ng marinig yon.
"Eh ikaw Celestine?," napalingon silang lahat sa akin nang tawagin ako n gaming guro.
"Ma'am invisible po kaya pati ako hindi ko makita. Ay wala nga pala akong jowa"
Sabay-sabay silang napatawa dahil doon, pasimple naman akong nagtakip ng mukha dahil sa kahihiyan.