NANG DAHIL SA FERRIS WHEEL

389 13 0
                                    


"Ano kayang sasakyan ko?"

Nandito ako ngayon sa perya, mag-isa. Naisip ko kasi na ichallenge ang sarili ko. Sasakyan ko lahat ng rides mag-isa!

Habang naghahanap, napatingin ako sa ferris wheel. Tama, yun na lang muna!

Kaagad akong pumila para bumili ng ticket.

"Miss magkano po ang ticket?", tanong ko.

"Isa lang po ma'am?", tanong nito. Tumango ako. "30 pesos po"

Nang papasok, nakita kong by pair pala dapat. Kaya hindi muna ako kaagad nakasakay.

"Manong ako na po", isang lalaki ang biglang dumating. Dire-diretso siyang pumasok sa loob. Hindi man lang ako pinauna!

Umupo ako sa harap niya. Kasalukuyan itong busy sa phone niya, nangangalikot.

"Takot ka ba sa heights?", sinubukan kong kausapin siya. Umiling lang siya at hindi man lang ako pinansin.

Nang umandar na ang ferris wheel, nagulat ako nang biglang bumilis ang ikot nito. Kaagad akong lumipat sa tabi ng lalaki at niyakap siya.

"Ahhh bakit ang bilis? Ang bilis kong mafall sayo!"

Tumingin ito sa akin at pilit akong pinapalayo. Hinigpitan ko naman lalo ang kapit sa kanya.

"Ano ba?!", pagsusungit nito.

"Ang bilis kasi ng ikot! Teka, pinapaikot mo lang ba ako?", sigaw ko pa.

"Bitawan mo nga ako!", sabi nito ulit.

Hindi naman ako nakinig. "Bakit ang dali lang para sayo na bumitaw?", hugot ko pa.

Mas lalo naman bumilis ang ikot ng ferris wheel kaya lalo akong sumiksik sa kanya.

Sinabunutan ko siya, kinalmot at pinaghahampas dahil sa takot ko. Nang matapos, doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

Bumaba na kami at tumingin siya sa akin.

"Ano tapos mo na ba akong gamitin?", tanong nito sa akin.

Napatanga ako. "Natakot lang naman ako e"

"Natakot mahulog?", tanong nito.

"Hulog na nga ako sayo e kaya natakot na akong mawala ka pa", sagot ko naman habang natatawa.

Napailing naman ito. "Ano bang susunod na sasakyan mo?", tanong nalang nito ulit.

"Sa Carousel na lang muna ako. Sige una na ako", paalam ko.

Nabigla ako nang hawakan nito ang kamay ko.

"Hindi. Samahan na kita. Baka matakot kana naman. Mahulog ka pa sa iba"

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon