FINALE
Tall. Dark. Handsome. 'Yan ang laging kasunod ng pangalang Hunter Salcedo. Sa libo-libong estudyante rito, sino nga ba ang hindi nakakakilala sa kan'ya? He is every girl's dream guy. Sobrang idealistic.
Marami rin akong naririnig na bakla raw siya. Bukod kasi sa walang girlfriend, hindi yata mahilig sa babae.
Lingid sa kaalaman ng iba, nauna kong nakilala si Hunter kaysa sa kanila. Tanda ko pa kung paano kung siya nabugbog no'n nang ipinagtanggol niya ako.
"Kilala mo na ba kung sino 'yong babae?," narinig kong usap-usapan dito sa classroom.
Kahit saan ako magpunta, iyan lagi ang topic nila. Halos lahat sila, nangangarap na magustuhan ni Hunter.
Bakla, nabalitaan mo na 'yong usap-usapan tungkol kay Papa Hunter mo?
Ronnel texted me. Napasimangot ako. Siguradong ipipilit na naman niya na ako 'yong babaeng gusto niya. Imposible. Hindi nga ako pinapansin ng lalaking 'yon. Magustuhan pa kaya?
Wala akong pake.
I replied. Aaminin ko, gusto ko si Hunter. Dati. Simple lang kasi siya no'n, hindi popular tulad ngayon. Dati, mabibilang mo lang sa dalawang kamay ang nakakakilala sa kan'ya, nakakapagbiro pa ako tapos tatawa siya, at kapag nagdedeliver ako ng egg pie sa kanila, naroon siya sa harap ng gate, hinihintay ako.
Well, sabi nga, lahat nagbabago.
"Limang egg pie nga," si Hunter. Kung mayro'n man siyang hindi ipinagbago, 'yon ang pagkagusto niya sa mga egg pie na gawa ni Manang Soli, nanay ni Ronnel. Walang araw na hindi siya bumibili kaya palagi rin akong inaasar ni Ronnel sa kan'ya.
"35 pesos, Sir," ani ko at inabot sa kan'ya ang limang egg pie. Nagbayad ito at kinuha ang plastic. Walang lingon itong bumalik sa mesa nilang magkakaibigan. I sighed. Nagbago na nga siya.
Kinagabihan, nabigla ako nang magtext siya sa akin. May number kami sa isa't isa dahil madalas mag-order ng egg pie ang mama niya. Sabi ko pa nga no'n na bakit hindi nalang number ni Manang Soli ang kunin pero ipinilit pa rin niyang sa akin nalang.
Tinawag mo akong Sir.
'Yan ang mensahe niya sa akin. Sa hindi malamang dahilan, napangiti ako.
May problema ba roon? Lahat naman tinatawag ko ng ganoon.
Kaagad kong reply. Hinintay ko ang sagot niya, pero dalawang oras na ang nakakalipas, wala pa ring reply. Baka maraming kausap, pag-aalo ko sa sarili. Tiningnan ko rin ang Facebook account niya at online siya roon. Hindi kami friend pero may posts kasi siya na 2 minutes ago. Tungkol ito sa babaeng gusto niya.
'She replied, anong isasagot ko? Tulog na siya but I still want to reply. Mababasa pa rin naman niya kinabukasan.'
As usual, marami ang nagtatanong kung sino ang babaeng 'yon. Nagbasa pa nga ako ng iilan sa mga comment.
Sino 'yan, Hunter?
Name drop!
Ang swerte naman niya.
Napatango ako. Ang swerte nga niya. Sobrang swerte niya.
I am Hunter not Sir.
Basa ko sa text niya, kinaumagahan. Hindi ako nagreply. Bahala siya.
Pagpasok ko pa lang, naabutan ko na siyang naglalakad sa hallway. Nakasalpak sa dalawang tenga nito ang earpones at walang lingong naglalakad patungo ng room nila.
"May pilat daw sa tuhod 'yong babae," napatigil ako sa paglalakad.
Napalingon ako sa dalawang babaeng nag-uusap.