PERFECTLY IMPERFECT

527 14 0
                                    


The worst part of being a daughter is not being loved by your own mother.

"Lumayo ka sa akin! Hindi kita anak! Wala akong anak na halimaw!"

'Yan ang laging bungad sa akin ni Mommy everytime I'm trying to get closer to her. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang turing niya sa akin.

Most of my friends envied me because of my looks. According to them, I am the prettiest among our squad.

"Hope, mamaya mo nalang muna kausapin ang mommy mo. Kailangan na niyang magpahinga", my granny said as she hugs me tightly because again, I started crying.

"Granny, bakit ayaw sa akin ni Mommy? Do I look like a monster?", I asked while sobbing on her shoulder.

"Of course she loves you! It just that, you're too young to understand everything, apo", she smiled at me.

"I'm big na granny!," I insisted.

At 9, I'm eager to know everything about mommy. I have many questions in my mind that need answers.

"Soon baby girl." Of course, she won't tell me.

The next day, for the nth time, I tried to approach her again. I'm hoping that she won't push me this time.

"Mommy here! I bought you pancakes!", I said while smiling widely.

"Stay away from me! You monster!",then she suddenly gone wild. Hindi ko alam ang gagawin, kaya tulad ng dati, wala akong nagawa kung hindi umiyak nalang nang umiyak.

"Why mommy? Bakit hindi mo ako magawang mahalin? Ano bang kulang sa akin kaya hindi mo ako matanggap? Mommy I love you! Please love me too!", I sobbed. Umaasa ako na baka sakaling maawa siya sa akin but she looked at me with her eyes full of hatred.

"'Wag mo akong tatawaging mommy! Hindi kita anak! Halimaw ka!", bigla siyang tumakbo palapit sa akin at sinakal ako. Napahiga ako sa sahig kaya mabilis itong dumagan sa akin.

"Mommy! Please don't! I can't breathe!", nahihirapang ani ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakasakal sa akin.

"Hindi! Dapat mamatay ka ng halimaw ka!", nanggagalaiting tugon nito at mas lalo pang diniinan ang pagkakasakal sa akin.

"Cynthia! Anong ginagawa mo sa anak mo?!", mabilis na inawat siya ni lola kasama ng kanyang nurse.

"Hindi! Papatayin ko ang halimaw na 'yan!", sigaw niya at bigla nalang humagulgol. "Nakikita ko siya. Sinusundan niya ako. Hindi ko anak ang halimaw na 'yan. Ilayo n'yo siya sa akin", umiiyak pa ring saad nito hanggang sa tinurukan na siya ng pampatulog.

That was nine years ago, pero sariwa pa rin sa akin ang mga ala-alang 'yon.

Hanggang ngayon, narito pa rin sa akin ang sakit at mga hinanakit ko sa kanya.

Bakit hindi ako magawang mahalin ng sarili kong ina? Bakit hindi nalang siya naging tulad ng ibang magulang na mahal ang anak nila. Mga magulang na inaalagaan at pinoprotektahan ang mga anak nila.

Ang daming tanong pero ngayon, naiintindihan ko na.

My mother has Schizophrenia. Isang mental disorder na nadevelop niya magmula ng gahasain siya ni papa.

Yes. Bunga ako ng isang pagkakamali na naging sanhi kung bakit naging ganoon si mommy.

Ngayon nandito ako sa kwarto niya matapos siyang turukan ng pampatulog. Hindi na siya masyadong agresibo ngayon, marahil dala na rin ng kanyang katandaan. Nahahawakan at nahahaplos ko na rin siya 'di tulad ng dati na hindi ko magawa.

"Ang hina mo kasi mommy. Bakit ka nagpatalo sa sakit na 'yan? Narito naman ako. Mahal na mahal kita", hinalikan ko ang kanyang noo.

Mothers are not perfect. They also have flaws and imperfections. Maybe sasabihin nila that my mother is the worst mother because she's weak para magpatalo sa sakit niya but for me she's still the best mother that I ever had. Hindi niya man malabanan ang sakit niya but atleast it's more than enough for me to know that she's fighting for her life to be with me. 

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon