10 SIGNS AND I'M YOURS

409 11 0
                                    


I'm Aemie. 20 years old na ako but I still believe in signs. Kaya everytime na nagkakaroon ako ng manliligaw, humihingi ako ng mga signs kay Lord. Tulad nalang ni Inigo. Gusto ko naman si Inigo pero hindi ko alam kung siya na ba talaga si The One. Kaya naman humingi ako ng 10 signs kay Lord kung sasagutin ko na ba talaga si Inigo.

Sign #1: Dapat naka blue shirt siya ngayong araw. Monday ngayon so dapat uniform ang suot and color white yon. Kaya malabong naka blue siya. Palpak to panigurado.

Nandito ako sa cafeteria, hinihintay ko siya kasi binilhan daw niya ako ng lunch. Nakatingin lang ako sa entrance ng cafeteria para makita ko siya agad nang biglang may umupo sa harap ko.

"Sorry ah ngayon lang ako. P.E kasi namin. Late ako ng 5 minutes.", sabay tingin pa sa relo niya habang inilalabas sa supot ang mga binili niyang pagkain.

"Naka blue ka", nakatulala kong sabi.

"Kasi nga P.E namin diba? Kaya nga nalate ako. Ae nakikinig ka ba sa akin?"

Sign #2: Wala siyang dalang lapis. Since Architecture student siya malabong wala siyang dalang lapis.

"Inigo, pahiram nga ng lapis"

"Wait lang", sabi niya habang hinahalungkat yung bag niya.

"Pakibilisan naman. Malapit na mag start klase ko eh". May lapis talaga akong dala. Pero gusto ko lang subukan.

"Naku baby hindi ko yata sila nadala. Naiwan ko sa locker ko kahapon."

"Wala kang dalang lapis?!"

"Sige baby. Ganito nalang, una kana sa klase mo tapos puntahan nalang kita para ihatid yung lapis", sagot niya sabay takbo paalis.

Sign #3: Naiwala niya yung ID niya. Super labo nito kasi alam kong hindi siya makakapasok nang wala siyang ID.

"Nasan na kaya yon?"

Pumunta ako sa bandang gate para abangan siya. Naglakad pa ako nang biglang may natapakan ako. Pinulot ko at tiningnan.

"Inigo S. Lopez, BS Architecture"

Shit! Lumabas ako ng gate at nakita ko siyang inilalabas lahat ng gamit niya. Nilapitan ko siya.

"Oh", sabay abot ng napulot ko.

Tiningnan niya ako na parang may ginawa akong karumal-dumal.

"Ikaw baby ah bakit na sayo to?" Binatukan ko siya.

"Gago! Naiwala mo!", saad ko sabay alis.

Sign #4: Pink ang panyo niya. Imposible naman na magkakaroon siya ng pink na panyo. Hindi naman siguro siya bakla diba? Paano kaya to?

"Ang init! Inigo pahiram nga ng panyo! Wala akong dalang panyo. Tingnan mo pawis ko tumutulo", sabi ko sabay paypay gamit ng kamay.

"Wait heto oh". Nagulat kaming pareho nang nilabas niya ang panyo.

"Mukhang mali yata nadampot ko", nahihiyang sabi niya sabay balik ulit sa bulsa niya.

"Hindi! Patingin!" Binigay naman niya sa akin kaagad.

"Pink ang panyo mo"

"Baby hindi ako bakla ah!"

"Wala naman akong sinasabi ah!"

"Yung tingin mo kasi!"

Okay move on na tayo.

Sign #5: Hindi siya kumakain ng Pancit Canton. Alam kong sobrang labo nito kasi sobrang arte naman niya kung hindi diba? Every barkada's food kaya is pancit canton.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon