"Gusto kita Jacob", pag-amin sa akin ni Zhianne.
"Hindi kita gusto", prangkang sagot ko sa kanya. Nakita kong napasimangot siya nang lagpasan ko. Pero tulad ng nauna, sinundan pa din niya ako kahit saan ako pumunta.
"Jacob may nagtitinda ng streetfoods oh! Bili tayo ng kwek kwek, favorite mo yon diba?", aya niya.
Napatingin ako sa itinuro niya.
"Hindi na ako kumakain niyan"
Hindi pa din siya nagpatinag at hinila niya ako sa nagtitinda.
"Jacob nasagutan mo na yung assignment sa Science?"
Tumango ako at di na nag abala pang tumingin sa kanya. Naramdaman kong lumapit siya sa akin.
"Eh ako kaya kailan mo ako sasagutin?", tanong niya.
Napaismid ako.
"Di kita gusto"
Nalaglag naman ang balikat niya at pagod na ngumiti.
"Sino yung kahalikan mo kanina?!", salubong niya sa akin.
Hindi ako sumagot.
"Hindi ka naman ganyan dati ah", sumbat niya pa.
Galit akong lumingon sa kanya.
"Hindi nga ako ganito. Binago mo ako diba?", sagot ko.
Siya naman ang napatahimik.
"Noong nakita kitang may kahalikang iba, sinumbatan ba kita?", dagdag ko.
Umiling siya.
"Noong mas pinili mong saktan ako para mabuo siya, hinayaan kita kasi masaya ka sa kanya", tuloy ko pa.
"Kaya nga bumalik ako", siya.
Umiling ako.
"Paiiralin mo na naman ba yang pagiging gago mo?"
Tiningnan ko siya.
"Oo naging gago ako! Gago ako! Pero tang*na naman Zhianne, sineryoso kita"
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Cerita PendekCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.