Yes. You read it right. Magnanakaw si papa, solid holdaper, mandurugas, salisi man, kumbaga notorious na kriminal.
Dati akala ko normal lang lahat ng iyon since wala naman siyang pera at matinong trabaho para buhayin ako. Wala din si mama para tulungan siya.
"Pa, nagugutom ako", one time sabi ko sa kan'ya.
"Sandali lang anak ha?", sagot naman agad ni papa. Aalis siya agad at hindi ako isasama sa kung saan man niya balak pumunta.
Then, I will wait for him until he comes back. May dala dala na siyang pagkain noon.
If ever na gusto ko ng bagong damit, ibibigay niya.
Gusto ko ng bagong sapatos, dadalhin niya agad sa akin.Kaya madalas siyang nakikita sa mga convenient stores and malls para magnakaw.
Sa mga palengke at pawnshops naman para mang holdap.
Kaya hindi na bago sa akin kapag may nagtatanong kung nasaan si papa.
"Nasaan si papa mo?," tanong ng isang lalaki.
Hula ko isang lookout na naman ito ng pulisya para mahuli si papa. Tulad ng madalas kong ginagawa, iiling lamang ako at tatakbo hanggang mailigaw ko sila.
"Sa inyo pa ba umuuwi si papa mo? Saan ang bahay niyo?," halos tanong lahat ng teacher ko pagpasok ko. Kuryoso lahat at halatang gusting mahuli si papa para sa naghihitany na pabuya. Kaya naman matapos ang araw na iyon, hindi na ako nagbalak pang pumasok.
"Ineng, hinahanap ng mga pulis ang tatay mo, nasaan ba siya?," si Aling Nita nang bumili ako ng sardinas, pero tulad ng dati, iiling lamang ako at pasimpleng uuwi ng bahay.
Isang araw, nabigla na lang ako ng mabalitaan na nasa presinto na si papa. Nahuli daw siya ng mga pulis kani-kanina lang. Agad agad naman akong pumunta kahit na alam kong nagkakagulo na doon dahil sa dami niyang naging atraso. Pupunta pa rin ako kahit ayaw ni papa na madamay ako sa mga nagawa niyang kasalanan.
Pero nagkamali ako ng hula.
Tahimik ang buong presinto nang makarating ako. Walang mga taong nagrereklamo, walang nanggugulo at iisa lamang ang naroon, isang babaeng nakapula. Tumingin ito sa akin na bakas ang saya sa kan'yang mga mata.
Nakulong si papa simula ng araw na iyon.
Hindi, dahil may ninakawan siya ng mga alahas, cellphone o ano pa.
Hindi, dahil may hinoldap siya sa may kanto.
Hindi, dahil may dinugas siya sa palengke.
Ang sakit lang isipin na hindi pala ako kay papa.
I'm not his. Not really.
The worst part is,
Ninakaw lang din pala ako ni papa.