ONCE A BULLY

398 9 0
                                    


"Ano? Lalaban ka?" pasigaw kong tanong kay Erica, kaklase ko.

"Hindi po." nakayuko nitong sagot.

"Bilhan mo na lang ako ng lunch, o kaya naman akin na lang 'yang lunch mo!" tumatawa kong sabi. Agad kong hinablot ang lunch box na nasa bag niya. Wala na siyang nagawa kundi ipaubaya sa akin iyon.

Habang nasa labas at kasama ang aking mga kaibigan, nakaisip ako ng kalokohan bigla. Nakakita ako ng isang basurahan sa may sulok kaya kaagad ko itong nilapitan at itinumba.

Nakaagaw naman iyon ng pansin iyon lalo na't nagtatawanan ang mga kasama ko.

"Sir si Mark po, itinumba yung isang trashcan!" sumbong ko sa dumaang teacher. Agad naming napagawi ng tingin an gaming guro sa itinuro kong estudyante.

"Mark, pumunta ka ngayon sa principal's office, mag-uusap tayo!" galit nitong utos kay Mark, na naglalakad lang palapit sa gate. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod sa utos. Takot lang niya ng mas lalo ko siyang ipahamak.

Bandang hapon, habang palabas ako ng gate nabangga ako ng isa sa mga kinaiinisan kong estudyante, si Limuel.

"Sorry po." hinging paumanhin nito agad sa akin. Hindi ko naman nagustuhan ang kan'yang nagawa kaya agad ko siyang tinulak.

"Ipinapahiya mo ba ako? Ang yabang mo ah! Kikilalanin mo, babanggain mo ah. Panira ka ng araw e." gigil kong sigaw dito.

Hindi pa ako nakuntento sa pagtulak sa kanya kaya't sinipa ko na din siya at sinuntok pa sa braso. Naiwan naman siyang nakadapa sa lupa at pinagtatawanan ng mga dumadaan.

Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Nagkayayaan kasi kaming magbabarkada na magliwaliw muna bago umuwi. Ganito lagi ang eksena sa buhay ko. Wala namang may pakialam at nagtangkang pagbawalan ko kaya ipinagpapatuloy ko na lang.

"Ano bang balak mo sa buhay, Mikko?! Late ka na namang umuwi. Balak mo bang maging pariwara 'yang buhay mo? Bakit di mo gayahin yung mga kapatid mo na eskwela at bahay lang?!" galit na sigaw sa akin ni daddy, pagpasok ko sa bahay.

"Ipinagmamalaki mo na naman ba 'yang mga anak mo!" paismid kong tanong sa kanya.

"Mikko!"

"Bakit, totoo naman diba? Lagi mo na lang kaming pinagkukumpara ng mga anak mo na kesyo magagaling sila sa ganyan tapos ako bobo at pariwara." pagsagot ko pa. He can always tell me to leave his house and get out of his life kung ayaw niya akong nakikita. I don't mind, kakayanin kong mamuhay mag-isa.

"Alam mo ba kung bakit? Kasi wala akong anak na katulad mo"

"Bakit anak ba turing mo sa akin? Hindi naman diba? Dad kailan mo ba matatanggap na hindi ako tulad nila. Ako 'to. Hindi ako si Erica na magaling sa science at math. Hindi ako tulad ni Mark na laging top sa klase at lalong hindi ako si Limuel na magaling sa sports kaya scholar!" mahabang paliwanag ko sa kan'ya, kasabay ng paglabas ng galit nito sa akin.

Agad naman akong nakatanggap ng sunod-sunod na suntok galing kay Daddy. Agaran din namang tumakbo palapit kay Daddy ang mga kapatid ko. Inilayo siya ni Mark mula sa akin para makaiwas siya at masaktan pa ako lalo. Tinulungan naman ako ni Limuel na tumayo. Dali dali namang kumuha ng first aid kit si Erica.

"Kuya pag hindi mo na kaya pwede ka namang humingi ng tulong sa amin Handa naman kaming tumulong kahit kalian mo kakailanganin." pag aalo sa akin ni Limuel.

"Oo nga kuya, 'wag kang mahihiyang magsabi sa amin," sabat naman ni Erica habang ginagamot ang mga sugat ko.

Napatungo ako at nahiya ako bigla sa sarili ko. Wala akong mukhang maihaharap sa mga kapatid ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at nagagawa koi to sa mga kapatid ko.

"Kuya, kumain ka na ba?" tanong naman nang paparating na si Mark. "Pinatulog ko na si dad, baka magkasakitan pa kayo, Kuya"

Mas lalo akong kinain ng pagsisisi ko. Anong nagawa ko? Nag-angat ako ng tingin sa mga kapatid ko, at nakitang nakangiti sila sa akin ngayon.

"Pasensiya na kayo ha? Sana mapatawad ninyo ako." Malungkot kong sabi sa kanila. "Hindi ko alam kung paano, pero susubukan kong makabawi sa inyo"

Napatawa sila sa aking sinabi.

"Okay lang naman 'yon, kuya. Naiintindihan ka naming, para saan pa't magkakapatid tayo diba?" nakangiting sagot naman ni Limuel sabay suntok sa balikat ko at sabay kaming nagtawanan.

Natapos ang gabi at isa lang ang napgtanto ko, ang swerte ko sa mga kapatid ko.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon