SHE NEVER LEFT ME

397 10 3
                                    


She left me.

Jigs Sebastian, 18 years old, certified playboy.

Sabi nila, karaniwan daw sa isang relasyon, ang mga lalaki ang nang-iiwan, nananakit at nagloloko. Ilang beses ko na bang narinig 'yan sa mga babaeng nagiging girlfriend ko. Marunong naman akong magmahal e. Siguro madali lang talaga akong magsawa.

At the age of 18, I had played with 18 different women already. Si Carmela, Alyanna, Alex, Trinity, at hindi ko na maalala 'yung iba pa. I am just into a relationship wherein pagkatapos ng kama, wala na.

Then, there she is, Nevi Trinidad, 18 years old, certified hopeless romantic.

Gasgas na kwento, 'yung babaeng sunod ng sunod sa akin para mapaibig ako. Hindi naman siya nerd o ano pa mang espiritong nakasuot ng salamin pero nandidiri pa rin ako sa kan'ya. She not literally my type.

She likes me very much so I used her.

Taga-gawa ng assignment, activities, notes, and project. Taga-order ng pagkain ko tuwing lunch and break time. Taga-dala ng bag ko tuwing uwian. My certified alalay, kumabaga. Kahit siguro sabihan kong pumunta sa bahay namin para maglinis, pupunta siya e! Well, she's very willing lalo na pagdating sa'kin.

"Break na daw kayo ni Alessa? You can cry on me, if you want to."

Tanga ba 'to? Walang lugar ang mga babae para iyakan ko. I already got her and all I can say is, she never satisfy me....in bed.

I never had a gilfriend after Alessa. Akala tuloy nila, hindi pa ako nakakamove-on. Nahirapan na akong maghanap ng ipapalit sa kan'ya dahil halos lahat ng magagandang babae, naging girlfriend ko na. Well except for her.

I had never imagined myself going to cinemas just to watch a romantic movie, going to a national parks doing nothing, going to restaurants just to treat a girl a date, or even going to national bookstores just to buy my girl a book, but I just found myself doing them with her.

"Try me, Jigs! C'mon try me!," she yelled at me. Her words caught me offguard. "Alam mo ba kung anong sinasabi mo, Nevi?"

She looked at me, crying. She nodded more than once, hindi ko na nabilang.

"Try me, Jigs. Try to love me please."

I quickly kissed her the moment she begged on me. "Akin ka na ngayon."

I never saw myself falling in love but I just saw myself falling deeply in love with her. If she's going to be my greatest downfall, then I'm more than willing.

Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang main-love. Kung alam ko lang, sana pala si Nevi na agad ang naging girlfriend ko, sa umpisa pa lang.

I know, I am the worst person to love but one thing is sure, I will never hurt her, no matter what.

Falling in love is fun not until.....maramdaman mong parang may nag-iiba. Her love, her feelings, the whole her.

I thought everything will be alright, not until she's breaking up with me.

"Nangako kang hindi mo'ko iiwan," I pleaded. This time, she shook his head more than once, hindi ko ulit nabilang.

"I love you, Nevi," I whispered. Akala ko yayakapin niya ako tulad ng dati pero iyak lang ang narinig ko mula sa kan'ya.

"Hindi na kita mahal, Jigs. Maghiwalay na tayo."

Tama nga ako sa una pa lang, napakatanga niya! Napakatanga niya para pakawalan ako. Matapos kong magbago para sa kan'ya, iiwan niya lang ako? Tanga nga talaga siya!

"Akala mo, hindi kita kayang palitan? Maghintay ka lang." Para na akong tanga, habang umiinom ng alak, kinakausap ang sarili.

Kaya kong bumalik ulit sa dati, makikita niya! Ibabalandra ko sa pagmumukha niya 'yung mga babaeng ipapalit ko sa kan'ya. Titiyakin kong mas sexy, mas maganda at hindi tangang tulad niya.

Pwede akong bumalik ulit sa dati, manakit at magpaasa ulit ng babae, pero hindi ko ginawa. Hindi ko na kayang gawin.

Isang araw, bigla ko na lang ulit siyang nakita.

"Jigs!"

Tumatakbo siya papunta sa akin at pabiglang niyakap ako. She came back. Bumalik ulit siya sa akin. Kahit pala nasaktan ka niya, kapag bumalik siya ulit, tatanggapin mo pa rin kasi mahal mo e.

"I'm sorry for leaving you. Hindi ko na ulit gagawin 'yon, I promise," she uttered finally. Her hug tightened more. "I love you, Jigs!"

I should be mad at her. Dapat ipagtulakan ko siya kasi sinaktan niya ako. Dapat hindi ko siya tanggapin ulit but I just found myself saying,

"I love you more, baby."

I'd never been this happy before. Kasama ko na ulit si Nevi! She will never leave me again.

"Sir?"

But I knew, I had to wake up soon.

I opened my eyes.

Unang tumambad sa akin ang isang lalaking nakasuot ng unipormeng puti, security guard siguro.

Napatingin ako sa paligid. Narito pa rin pala ako.

"Paligpit na lang po ng hinigaan n'yo."

Tumingin muna ako sa lalaki bago napatingin sa taas. Sinulyapan ko ulit si Nevi ng isang beses bago magligpit.

Hindi ko napansin. It was already getting late and the graveyard were about to be closed.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon