TINURUAN KO SI BOYFRIEND

584 19 0
                                    


"Kapag may lumandi sa'yo, anong sasabihin mo?", tanong ko kay Nero, boyfriend ko.

Napakamot siya ng ulo. "May girlfriend na ako at mahal ko siya"

Tumango ako.

"Paano kapag hindi siya tumigil at tumabi pa sa'yo?", tuloy ko.

"Itutulak ko siya palayo sa akin at lalayo ako kung ayaw niya", sagot niya.

Tumango ulit ako.

"Paano naman kapag sinabi niyang iiwan din daw kita sa huli at siya nalang ang piliin mo?", dagdag ko.

Umiling-iling siya. "Hindi ako papayag na iwan niya ako. Tatakbo ako palapit sa kanya at yayakapin ko siya"

Nag-thumbs up ako sa kanya. "Very good ka baby"

Sasagot na sana siya nang may isang babaeng lumapit sa kanya.

"Hi Nero", sabi nito at ngumiti pa.

Napalingon sa akin si Nero kaya tiningnan ko siya with my 'anong gagawin mo?' look. Nakita ko naman na nataranta siya.

"May girlfriend na ako at mahal ko siya", proud nitong sabi kaya napangiti ako.

"May itatanong lang sa---"

"Itutulak ko siya palayo sa akin at lalayo ako kung ayaw niya", pinutol kaagad niya ang sasabihin nung babae.

"About sa Chem----", hindi na naman niya pinatapos at sumabat kaagad siya.

"Hindi ako papayag na iwan niya ako. Tatakbo ako palapit sa kanya at yayakapin siya", proud pa ring sagot niya.

What the hell?!

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon