Have you ever been experienced falling in love with a criminal?
Derrick and I we're childhood sweetheart. We grew up together so we already knew each other deeply.
I met him when we we're just 5 years old. Magkaibigan kasi ang mga magulang namin. Niligawan niya ako noong high school. Sinagot ko siya noong college. Going strong pa rin ang aming relasyon hanggang ngayon dahil suportado at legal kami both sides.Pareho na kaming nagtatrabaho sa kan'ya-kan'ya naming mga kumpanya. Kaya lang ay naging madalas ang mga away namin dahil pareho kaming busy at kung minsan ay dahil sa mga kaibigan nito.
Lagi kasi itong sumasama sa kan'yang barkada kapag gabi kahit pa maraming ginagawa. I understand that he just want to relax and breathe some fresh air. Pero nakakalimutan na kasi nito ang date naming dalawa kung hindi ko ipapaalala.
Madalas man kung mainis ako, mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa kan'ya.
I actually got happy when he started to avoid his friends, one day. Ayon sa narinig ko, may hindi raw pagkakaintindihan ang mga ito. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon dahil sa tuwing nagtatanong ako ay nagagalit siya.I thought everything is fine. But I was wrong.
Nagkagulo ang lahat dahil may dumating na mga pulis. Hinuhuli nila si Derrick. According to them, he took drugs and killed someone.
Nagulat ako. I thought they're just joking. Baka napagkamalan lang siya ngunit hindi.
Hindi niya itinanggi iyon. Siguradong-sigurado siya na ginawa niya iyon.
Nagalit ako sa kan'ya. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya iyon. Hindi ko kayang maniwala. I knew Derrick. He can't do such thing like that. Mabait siyang tao.
Hindi ako dumalaw sa kan'ya lalo na't nagalit din ang mga magulang ko. They even ended their friendship with Derrick's parents.
"He's a criminal, a drug addict and a murderer! Huwag na huwag kang lalapit sa kan'ya, Gabriella! We better go to States rather than staying here. Pinahiya nila tayo."
I remembered Dad's words the moment he found out what happened. They're really mad.Pinagbawalan nila akong dalawin siya. Plano pa nilang umalis kami ng bansa para mailayo sa kan'ya.
Lingid sa kaalaman nila, gumawa ako ng sariling imbestigasyon. I felt something is wrong. Para may hindi tumutugma.
Kaya lang ay balak na pala nilang umalis kami kaagad. Ayaw kong pumayag pero wala akong magawa. Pinilit ko nga lang makatakas para mapuntahan siya sa huling pagkakataon.
Sa muling pagkakataon, nakita ko siya.
Nakaupo ito sa pinakadulong bahagi ng kulungan. Madilim ang bahaging iyon kaya't hindi ko siya gaanong makita.
"Derrick..."
Nag-angat siya ng tingin. Nagulat ito nang makita ako ngunit napalitan din iyon ng lungkot lalo na noong naglandas ang mga luha sa kan'yang pisngi.
"Gabriella, I'm sorry. I was... Hindi ko sinasadya."
"What happened?"
He shook his head. Parang hindi nito alam ang nangyari.
"Derrick, did you took drugs? Did you killed someone?"
He sighed. "I did."
"W-why?"
"Hindi ko alam. Pinilit lang ako ni Dustin. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos."
Umiyak lang ako sa harapan niya habang hindi nito alam ang sasabihin sa akin. Nasasaktan ako. Sobrang sakit para sa akin ang nakikita siyang gan'yan.
"Hindi ko alam kung...may karapatan pa ako, Gabriella."
Tumingin ako sa kan'ya. May kinuha ito sa kan'yang bulsa. Namilog ang mga mata ko nang makita iyon.
"Derrick..."
"Mahal kita, Gabriella. This is actually my plan. Kung hindi lang dumating ang mga pulis noong araw na iyon. You know how much you mean to me. Lalaban ako para sa atin. I know, everything will be okay soon. Tanggapin mo lang ulit ako."
Binuksan nito ang kahon.
"Papayag ka pa bang pakasalan ako? Can you still be my happy ending?"
Hindi ako makasagot. Natatakot ako. He just looked at me with his eyes full of hope and love.
He sighed when I didn't answer. Isinarado nito ang kahon saka inilipat iyon sa pagitan ng rehas palapit sa akin.
"Isuot mo na lang singsing na 'yan kapag handa ka na ulit. Maghihintay ako, Gabriella."
Umiyak ako ng gabing iyon habang hawak hawak ang singsing na ibinigay niya.
My parents found out about it. Nagulat ako nang umiyak din si Mama sa harapan ko. I can see that she's hurting too.
I know how much she adores Derrick.
"Mom, please let's help him. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya."
Umiling lang ang mga magulang ko. Alam kong hindi sila papayag. Ilalayo nila ako.
Wala akong nagawa nang pasakay na kami ng eroplano. Dala dala ko pa rin ang singsing. Nangako akong babalik akong suot na ang singsing na iyon. Basta maghintay lang siya.
But I was wrong again. He didn't wait for me.
The moment my plane took off, pumutok ang balitang hindi ko inasahan.
Derrick was dead.
Hindi ko alam.
That day. The day he proposed to me was also the day he was sentenced to death.
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Historia CortaCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.