Ayon sa nabasa ko, karamihan sa mga 16 years old pataas, nakilala na nila si the one nila. Sa murang edad, paano mo nga ba malalaman na siya na yung para sa'yo?
"Walang hiya ka! Mang-aagaw!"
Isang babae ang biglang humablot sa buhok ko at tinulak ako pahiga sa lupa. Alam kong gigil na gigil sa akin ang babaeng 'to sa tindi ng paghila niya sa buhok ko. Baka isa na naman ito sa mga babaeng iniwan ng boyfriend nila ng dahil sa akin. Kaagad siyang namang inawat at inilayo sa akin.
"Celes, may sugat ka." Tiningnan ko naman ang tuhod at siko ko, may sugat nga ako.
"Sugat lang yan. Malayo sa bituka.," I answered coldly.
Marahil, nasanay na silang lahat sa pagiging cold ko. Bakit naman kasi ako magsasayang ng oras at laway sa mga mababaw na away lang. Namanhid na yata ako sa lahat ba naman ng sakit na pinagdaanan ko.
I remembered when I was seven, dad came with a kid who is just as old as I am and said he's my brother. Yung inaakala kong masayang pamilya noon, nasira lang. Kaya pala hindi madalas umuwi si dad because second family lang niya kami. In short, kabit niya lang si mama.
Lagi nilang sinasabi sa akin na "like mother, like daughter". Kaya siguro ako naging ganito, paiba-iba ng nilalandi kasi napagod ng patunayan sa kanila na hindi ako katulad ni mama.
Ganoon naman lagi, yung mga masasamang ugali lang ang nakikita ng tao. I tried really hard just to prove them wrong, but what should I expect? This is society. Walang mabait. Walang mabuti. Lahat ay may itinatagong butas.
Pagkatapos kong pumunta sa clinic para sa sugat , dumiretso na ako sa classroom. Late na ako nang dahil sa babaeng iyon. Pagpasok ko sa room as usual tumahimik ang mga kaklase ko. Buti nalang, wala pang teacher.
"Go on. Magdaldalan lang kayo. Don't mind me."
Mabuti nalang at walang pakialamero sa kanila. They went back to their own businesses, while me, seating at the back, alone.
All of a sudden, dumating si teacher kasama ang isang lalaki. Transferee yata. Hindi na ako nagtaka nang maghiyawan ang buong klase, well except me. Hindi na ako magsisinungaling, talaga naming gwapo ang lalaking ito.
"Class quiet!," tiningnan niya yung transferee. "Sige hijo magpakilala kana sa kanila."
Lumipas ang ilang minuto, hindi nagsalita ang lalaki. I'm not really an observant but looking at him, masasabi kong mahiyain ang taong ito. He just stared at us, without uttering any word.
"H-hmm hi. I'm Ellis Agravante. Nice to meet you." Then it was followed by deafening silence.
"Is that all hijo? Tell us more about yourself." Ngumiti lang yung lalaki. "Okay you may now take your seat."
At dahil walang gustong tumabi sa akin, dito siya umupo sa tabi ko. Nilingon ko siya.
"I'm Celes," I held out my hand to him. Tiningnan lang niya ako habang nanlalaki ang mata. Really? Ano bang problema ng lalaking 'to?
"Nangangalay ang kamay ko," malamig na sambit ko. Natakot yata siya sa lamig ng boses ko kaya biglang tinanggap ang kamay ko.
"I'm Ellis. Nice to meet you," sabi niya habang nakayuko. Kaya naman hinayaan ko na at nagsuot na ng earphones. Matutulog muna siguro ako.
Sumulyap ako sa gawi niya at nakitang nakikinig ito ng mabuti. Napailing ako bago nagpasyang ipikit ang mga mata.
Napagising ako nang biglang may tumapik sa kamay ko. Dumilat ako at nakitang si Ellis yon.