"Nagbreak na daw kayo ng jowa mo?"
I just smiled. Hindi ko alam na mabilis pa lang kumalat ang balita.
"Bakit? May 3rd party ba?", tanong pa ng mga nakikiusyusong mga kaklase ko.
Tumawa ako ng mapakla.
"Cool off palang. Kailangan muna siguro namin ng time", sagot ko.
Tumango sila at hindi na nagtanong pa. Habang papalabas, sinalubong ako ni Mitsy.
"Break na kayo ni Kyle?", kaagad na tanong niya.
Nangunot noo ako. "Sino bang nagsabi niyan?"
"Marami kasing nakakita na kasama niyang naglunch si Corrine"
Si Corrine ang napapabalitang may gusto daw sa kanya.
"Baka nilandi lang siya ng babaeng iyon", dahilan ko.
Nagkibit-balikat lang ito at niyaya na akong lumabas.
"Shy hindi ba si Kyle iyon? Oh kasama niya si Corrine", sabay turo sa kanila na magkaholding hands pa.
"Wait lang ah", sagot ko. Susugurin ko sila.
"Saan ka pupunta?"
"Sasabihin ko lang na akin yung kinakalantari niya", matapang kong sagot.
Mabilis akong naglakad papunta sa kanila.
"Oh Shyrin, saan ka pupunta?", tanong sa akin ni Kyle. Itinago pa niya si Corrine sa likod niya dahil siguro sa nakikitang reaksyon ko.
Ngumiti ako.
"Congrats bagay kayo", bago ako naglakad palayo.
Gusto kong sabihin na 'akin yan' but I end up saying 'congrats bagay kayo'.