OPPOSITES ATTRACT

402 10 0
                                    


Naniniwala ba kayo sa kasabihang, the more you love, the more you hate? Kasinungalingan lamang ang bagay na 'yan.

"What is Chemistry?," our teacher asked. Kaagad naman akong nagtaas ng kamay para sumagot.

"Sir, Chemistry is the study of matter. It involves chemical reaction and chemical composition of substances," I proudly answered. Well, ako lang naman top student ditto sa school.

"Very good, Ms. David. Any other idea?," nagtaas ng kamay 'yong pabibo kong kaklase. Ano naman kaya ang isasagot ng isang 'to?

"Sir, kaming dalawa ng crush ko. May chemistry kami."

Umalingawngaw sa room ang malalakas na kantiyaw ng mga kaklase ko. As expected, pangkanto lang at walang sense sagot niya . Hindi ko nga alam kung bakit napunta sa section one 'yan. Maybe, because he's a transferee. Isa sa mga pinakaayaw kong paniniwala sa eskwelahan namin na porke bago, isasama sa mga matatalino. Like? Anong sense no'n?

Nang sumunod na araw, nagkaroon ng groupings sa Chemistry. Dyad 'yon kaya it means dalawa lang kami sa isang grupo. Since ako ang top sa klase, marami ang nagsasabi na gusto nila akong kagrupo. Malamang magpapabuhat na naman kaya gustong matalino ang kasama.

"Para hindi maging bias, ako na ang magpapair sa inyo. Male and female ang pairing."

Ilang sandali pa, nagsimula ng magtawag ng pangalan si Sir. Maraming nagugulat kapag natatawag ang surnames nila.

"Mr. Bautista and Ms. Santos, kayo ang unang grupo," naghiyawan nang lahat dahil sikat silang loveteam sa klase.

"Mr. Dizon and Ms. David, you're the next pair." What?

The whole class became silent, maybe because of the awkwardness. Alam kasi nilang pinaka-ayoko sa lahat si Ralph. Sinulyapan ko si pabibo at mas lalong nainis nang makitang nakangisi siya. Umirap na lang ako at hindi na muling lumingon pa.

"You only have two weeks to prepare. Be sure na gagawa ang lahat and magpaparticipate. That's all for today, good day everyone."

Since last subject na namin iyon, kaagad na nagpuntahan ang mga kaklase ko sa partner nila. Wala tuloy akong naging choice kundi kausapin siya nang pinuntahan niya ako sa pwesto ko.

"So, miss top one, anong plano mo?," he even emphasized the word 'one', halatang iniinis ako.

"Oh! You have a lot of ideas, right? So, why are you asking me? Pabibo ka sa klase so bakit hindi ikaw ang mag-isip?," I snapped.

"Ano bang problema mo sa akin?," na-offend yata sa sinabi ko.

"I just don't like you," mataray na sagot ko. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at umalis na.

Hindi na niya ako nilapitan magmula ng mangyari ang tagpong iyon, which is good for me dahil ayokong nakikita ang pabibong yon. Kaya nga lang dahil sa Chemistry project naming dalawa, kinakausap ko na lang siya through social media. Kasalukuyan kong nililibot ang newsfeed ko when a notification of a message popped out.

Ralph Dizon: Hi

Leyna David: ?

Ralph Dizon: Chemistry? Baka gusto mong magkita tayo?

Leyna David: No need. Sinend ko na yung file. Pag-aralan mo nalang.

Ralph Dizon: Kahit na. Friday, 12 noon sa bahay nalang I'll see you.

Leyna David: I'm busy

Ralph Dizon: Busy din ako pero binibigyan ko ng time 'tong activity.

So dahil reason na niya is yung activity, wala na akong nagawa.

Leyna David: Fine! Saan ka nakatira?

Ralph Dizon: After class nalang, sabay na tayo. Bring lunch nalang.

Leyna David: K. Fine

Ralph Dizon: Sungit mo naman.

✔Seen 7:54 pm

Sumapit ang friday at kailangan kong pumunta sa bahay ng pabibong 'yon for chemistry. Sa kamalas-malasan, eksakto pang hindi ako mahahatid ng sundo ko kaya napilitan akong sumabay sa kanya tulad ng napag-usapan. At first, naghehesitate ako na sumabay sa kanya since naka single na motor siya at baka mahulog pa ako kaso, no choice na kaya nakisama na lang ako. Akala ko, noong una, mabaho siya kaya ayokong dumidikit sa kanya pero nagkamali ako. Mabango ang pabibong ito. Para ngang wala man lang siyang pabango, natural scent kumbaga.

Nang makarating kami sa kanila, nahiya ako bigla sa sarili ko. Nag-expect kasi ako na malaki ang bahay nila tulad ng amin pero hindi. It was just a simple nipa hut na parang kapag bumagyo magigiba na.

Nahihiya akong pumasok sa loob ng bahay nila. Isa lang ang masasabi ko, malinis at komportable sa loob. Hindi maalikabok at mabaho tulad ng naiisip ko. Napag-alaman ko ring pareho palang may trabaho ang mga magulang niya kaya kailangan pa niyang magsaing at mangutang ng de lata sa may tindahan para may makain. He also asked me kung ano pang gusto ko para maisali rin daw niya but I refused. Mangungutang na nga lang siya, dadagdag pa ba ako?

Habang wala siya, ginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay nila. Base sa mga gamit niya, masasabi kong simple lang talaga siya at walang arte sa katawan. May mga picture rin siya na sumasali sa mga dance contests so I conclude na dancer siya.

Pagkarating niya, agad niyang inihanda ang mesa. Isa lang ang upuan na available kaya nakatayo siya habang kumakain. Inalok ko naman na tabi nalang kami pero ayaw niya.

Lumipas ang mga araw, dumalas ang pagrereview namin sa Chemistry. Sa mga araw na 'yon, marami akong nalaman tungkol sa kanya. Tulad nalang ng nahihirapan siyang magbasa ng English words base na rin sa mga diction niya pero natutuwa ako kasi nakikitang kong tinatry niya pa din. Willing din siyang turuan kaya napapatanga ako minsan. Biglang nawala yung pabibo side niya sa klase.

"Leyna paano kasi 'to?," tukoy niya sa isang topic na kaagad kong tinuruan.

Bandang hapon, nangutang ulit siya ng gaas para maihatid niya ako sa may labasan para makasakay agad.

"Uuwi na parents mo niyan?,"tanong ko habang nag aantay ng masasakyan.

"Hindi pa. Sa susunod na buwan palang. Bakit? Curuios ka na sa akin 'no?," sagot niya sabay kindat pa. Napairap naman ako.

"Hindi nagtatanong lang. Akala mo naman may pake ako sayo tss."

"Kaya ko na sarili ko, Ms. Top 1 kaya huwag kang mag-alala. Sige na, sakay ka na," sabi niya ng makita ang paparating na jeep.

Laging ganoon ang eksena tuwing hapon sa loob ng dalawang linggo. Mas nakilala ko siya bilang kung sino ba talaga siya, malayo sa pabibong awra nito sa loob ng klase. Sa mga araw ring iyon, lagi niyang sinasabi na crush niya ako kaya raw nagpapasikat siya sa akin at nagpapansin sa loob ng klase. Hindi ko nga makalimutan yung time na nagluluto kami tapos nasugatan siya imbes na ako. Sabi niya handa raw siyang masaktan para sa taong mahal niya at kasama raw ako dun. Ang corny pero namula talaga ako ng husto.

"Ganito kasi 'yan," turo niya sa akin habang nagpapaturo akong magmotor. Halatang naiinis na rin siya dahil ilang subok ko na ito, hindi ko pa makuha.

"Natatakot nga ako. Pake mo ba?!," sigaw ko.

"Huwag kang matakot. Nandito naman ako para saluhin ka."

"Hindi naman ako mahuhulog dito no!"

"Alam mo, kaya ka natatakot kasi takot kang mahulog. Bakit hindi mo subukang sumugal?" natatawang sabi niya. Napatahimik ako.

"Sumugal na nga ako e. Nahulog na nga ako sa'yo," sagot ko matapos ang isang nakakabinging katahimikan.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon