TULFO GONE WRONG

445 12 0
                                    


"So ano pong reklamo nila?", tanong sa amin ni Kuya Raffy. Hindi na talaga ako makatiis kaya nagsumbong na ako sa kan'ya.

Tumingin muna ako kay Jeremy bago sumagot.

"Kuya Raffy, irereklamo ko lang po sana itong crush ko, hindi marunong magcrushback", parinig ko.

Napataas- kilay si Jeremy, mukhang natamaan sa sinabi ko.

"Ang sa akin naman Kuya Raffy, ayaw ko sa mga babaeng puro patama lang sa social media, pwede namang diretsuhin na lang ako hindi ba?", sagot niya.

"Paano naman kasi Kuya Raffy, magcoconfess ka ng feelings sa kanya tapos akala mo kung sino na. Porke alam niyang crush mo siya, paasahin ka, ang hilig mag ghosting", pagtataray ko pa. Nakita ko kasing naiinis na siya sa mga sinasabi ko

"'Yung isa naman kasi diyan Kuya Raffy, puro tamang hinala. Nauso lang ang panggo-ghosting, pati ako ganon na din. Hindi pa naman ako tinatanong",bwelta niya agad.

"Paano ko naman kasi tatanungin Kuya Raffy, daig pa ang artista sa dami ng babaeng umaaligid sa kanya", sagot ko ulit.

"Pwede naman kasing nagtatanong lang tungkol sa assignment diba? Tingnan mo nga Kuya Raffy, daig pa si Madam Awring kung makapanghula", siya na naman.

Napatingin nalang kami kay Kuya Raffy nang itaas nito ang kamay niya.

"Puro kayo parinigan, halata namang gusto niyo ang isa't isa. So, bakit hindi nalang kasi maging kayo?", sabat niya nang hindi na siya nakatiis.

"Kami na po Kuya Raffy", sagot ko.

"Oo nga po Kuya Raffy, 2 years napo kami", sagot na rin niya. Napakunot-noo si Kya Raffy.

"Eh bakit kayo nandito?", naguguluhan niyang tanong.

Nagkatinginan muna kami ni Jeremy bago sumagot.

"Kuya Raffy, it's a prank!", sabay naming sabi bago tumawa ng malakas.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon