"Mateo pupunta kang canteen?", tanong ko nang makita siyang papatayo sa upuan.
"Oo. Bakit may papabili ka?"
Kaagad naman akong umiling, "Wala"
Tumango naman siya. Pasimple kong inabangan kung saan niya ilalagay ang phone niya. Napangisi ako ng makita kong isinuksok niya ito sa loob ng bag niya.
Nang makita kong nakaalis na siya, dahan-dahan akong pumunta palapit sa upuan niya.
Kapkap dito, kapkap doon. Nanlaki ang mata ko nang makapkap ko ito at inilabas.
"Humanda ka sa akin Mateo! Ano kayang itinatago mo dito?", nakangising sabi ko habang pilit na binubuksan.
Napatawa ako ng makitang sobrang cute ng lockscreen niya. Sinubukan kong magtype ng possible password.
"Cute ko"
"Ang pangit ko"
"ML is life"
"Mahal kita"Naiinis na ako ng hindi ko pa rin mabuksan nang mapansin kong may maliit na papel na nasa loob ng case.
"Honey Baby", basa ko. Wait pangalan ko ba yon?
Sinubukan kong tinype ang 'honey baby' at nag unlock nga.
Bumungad sa akin ang home screen niya. Picture ko ito habang tumatawa ng malakas. Grabe ang pangit ko!
"Bakit may mga pictures ako dito?", nalilitong tanong ko habang hinahalungkat ang Gallery niya.
May mga screenshots ng mga 'My day' ko.
Saved images ng mga pinopost ko.
Mga stolen pictures ko habang tulog, nakatingin sa kanya, nakikipag-usap sa mga friends ko at marami pa."Nasaan ang phone ko?!", narinig kong sigaw ng kung sino. Napatingin ako at nakitang nakabalik na pala siya.
"Umamin ka! Stalker kita no?", hindi na ako nakatiis at sinumbatan ko siya.
Nanlalaking mata naman siyang tumakbo para kunin sa akin ang phone niya.
"Shet! Paano napunta sayo to? Anong mga nakita mo?"
Nanliliit mata ko siyang tiningnan. "May gusto ka sa akin no? Updated ka eh", pang-aasar ko sa kanya.
"Kasalanan ko ba yon? Napapasaya mo ako eh."