MY MOM IS A LIAR

405 9 0
                                    


Si mama ang pinakasinungaling na taong nakilala ko.

Bata pa lang ako, kinaiinisan ko na siya. I think, I was 11 that time. May sariling isip na ako at tingin ko, naiintindihan ko na kahit papaano ang mga bagay-bagay.

Si mama lang siguro ang hindi.

Everytime she speaks, naririndi ang tainga ko sa mga kasinungalingan niya.

"Ang galing talaga nitong anak ko. Isa siya sa mga nakakuha ng mataas na marka sa klase," pagyayabang kaagad niya matapos ang kuhanan ng card. Pinuri naman siya ng mga kumare niya.

Sinungaling.

76, 75, 78, 80, nasaan ang mataas riyan? Muntikan pa nga akong makakuha ng 74 kung hindi binayaran ni mama 'yung teacher ko.

"Tutok sa pag-aaral 'yan. Hindi muna niya naiisip ang pagbo-boyfriend."

Sinungaling.

Anong tawag niya kina Frank, Alex, Raymond at Kris? Nakalimutan yata niyang taon-taon nagpapalit ako ng lalaki.

"Masipag 'yang anak ko. Marunong sa gawaing bahay. Pwede nang mag-asawa," biro niya minsan sa mga kapitbahay namin. Nagtawanan naman ang lahat bago ako nangingiting tinignan.

Sinungaling talaga.

Anong alam ko sa bagay na 'yan? No'ng naghugas nga ako ng plato, halos nabasag ko lahat. Hindi ko nga alam na hinihiwalay pala ang puti sa de color kapag naglalaba e.

Marami pang kasinungalingang pinagsasasabi si mama. Minsan nga, gusto ko ng humiwalay sa kan'ya. Hindi ko nga lang siya matiis lalo na noong nagkasakit siya.

"Anak, 'wag mo akong iiwan. Kailangan kita ngayon," hiling niya sa akin, isang gabi. Tumango ako sa kan'ya kahit sa kaloob-looban ko, kanina pa ako umiiling.

Namatay si mama matapos ang anim na buwan. Hindi na niya nakayanan ang iniinom na gamot dahil hindi na rin naman tinatanggap ng katawan niya.

Honestly, gusto kong magalit sa kan'ya. Namatay siyang hindi man lang nagsasabi ng totoo. Gusto kong sumigaw kapag nagsasalita siya at naglalambing sa akin.

Gusto kong sumbatan siya kapag tinatawag niya akong anak. 'Yon naman talaga ang problema e!

Wala naman akong pakialam kung magsinungaling pa siya ng kung ano-ano. Kahit pa sabihin niyang dati akong lalaki dati ayos lang sa akin. Pero ayaw kong tinatawag niya akong anak dahil deserve kong malaman ang totoo, mula sa bibig niya mismo.

Sabagay, sinungaling din naman ako e! Kahit alam ko ang totoo, tinatawag ko pa rin siyang mama.

"Ang daya mo, ma. Sinong anak ba ang ipinagmamalaki mo ah? Sa pagkakaalam ko, wala ka namang anak eh...."

Alam ko naman ang totoo.

Ampon lang ako ni mama.

But she treated me like her own.

I saw her lies. Nakita ko lahat ng mali sa kan'ya.

Pero hindi ko nakita kung gaano niya ako minahal bilang anak niya.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon