MY HUSBAND'S NUDE IS FOR SALE

409 8 0
                                    

"Sa tingin mo ba, mabibili ko 'yung skincare na gusto kong bilhin dito sa ibinigay mong pera?!"

I thought marrying Klarius will make me happy. Mahal na mahal ko kasi ang lalaki. But, as time goes by, realization dawned me. Sa pagsasama pala, minsan hindi sapat ang pag-ibig lang, importante rin pa lang naibibigay n'yo ang pangangailangan ng isa't isa. Sa pisikal man, emotional at maging sa mga materyal na bagay.

Madalas na naming napag-aawayan ang pera. Hindi kasi sapat ang ibinibigay nito sa akin. I know, he was just an ordinary office worker and he's not yet permanent on his job, but he can't blamed me. Marami na masyado ang ginagastos namin para sa kakarampot na sahod niya. I can't even buy my skincare kaya nangungulubot na ang balat ko. I hope that he's aware that I came from a wealthy family. Hindi ako sanay sa hirap na pinaparanas nito sa akin. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw sa kaniya ng mga magulang ko. Mukhang alam na ng mga ito na ganito ang magiging kahihinatnan ko.

"Dadagdagan ko na lang ulit iyan, love. Pangako sa susunod na sweldo ko, mabibili mo na iyon."

He smiled to console me. Pero hindi na ako naniwala roon. Ilang beses na niyang sinabi iyon pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari. Wala pa nga kaming anak pero nahihirapan na, paano pa kaya kapag mayroon na?

So, one day, I came up with a plan. Alam kong mali ang gagawin ko pero kasalanan din naman niya iyon. Hindi ko naman maiisip na gawin ito kung ginagawa niya ng maayos ang responsibilidad niya bilang asawa.

"I'm sorry, Klarius. Alam mong mahal kita pero hindi ko na kaya ang ganito."

Mahimbing na mahimbing ang tulog nito dahil mukhang marami ang ginawang trabaho. Bahagya kong itinaas ang pang-itaas at ang pang-ibabang damit nito. Kinuha ko ang telepono para kuhanan ito ng litrato. Ilang beses kong ginawa iyon bago inilagay sa dati ang ayos ng asawa.

Napangiti ako sa naisip. Mukhang mabibili ko na nga ang mga gusto ko.

Kinabukasan, pagkaalis ng asawa, kaagad akong naglog-in sa isang site. Site ito ng mga bentahan ng mga malalaswang litrato at maging ng mga video.

Hahanap ka lang kliyente na pwedeng bumili ng mga ito kapalit ng pera. Hindi naman kailangang ipakita ang mukha kaya madali lang ito para sa akin.

Me:

I am selling my husband's nudes. He's just beyond 27 years old.  300 pesos lang kada litrato. 

Natuwa ako ng may tatlong kliyente ang kaagad na nag-inquire sa mga litrato.

The first one is a businesswoman. May mga negosyo raw ito sa iba't ibang lugar sa bansa. Wala raw itong asawa kaya naghahanap ng mapaglilibangan. Natuwa ito sa mga litrato kaya kumuha ng tatlo.

The second one is a housekeeper.  Mahilig raw ang isang ito kaya bumibili. Natuwa rin ito sa mga litrato kaya kumuha ng dalawa.

Ang huli naman ay isang cashier. Katulad lang rin ito ng mga nauna. Kumuha rin siya ng dalawang litratong nagustuhan.

Bandang hapon, nakuha ko kaagad ang mga pera. Kumita ako ng mahigit dalawang libo ngayong araw. Nakangiti ko itong itinago sa isang drawer.

Ganoon nga ang naging routine ko sa mga sumunod na araw. Tuwing gabi ay kukuhanan ko ng litrato ang asawa at sa araw ko naman ibebenta ang mga iyon.

Mabuti na lang, consistent ang mga nakuha kong kliyente kaya araw-araw bumibili ng litrato.

Isang gabi, kukuhanan ko sana ng litrato ang asawa ngunit  nakatulog ito sa lamesa. Pagod na pagod daw kasi ito sa trabaho. Naglakad ako palapit sa kan'ya para gisingin ito ngunit nagulat ako sa mga nakita.

Tuloy tuloy ang pagpasok ng mga mensahe ng isang pamilyar na babae sa telepono nito. Ganoon din ang mga litrato na kasunod ng mga mensaheng iyon.

Nakaramdam ako ng kaba at sakit sa dibdib, hindi makapaniwala sa mga nakikita.

"Klarius..."

Nagising mula sa pagkakatulog ang lalaki. Nagulat ito nang makita ako sa kaniyang tabi. Sinubukan nitong itago ang telepono ngunit umiling na ako sa kan'ya

"Paanong...?"

He sighed. "Bella, magpapaliwanag ako."

My number one client was a businesswoman. Si Klarius ang taong iyon. Suma-sideline raw itong online seller habang nagtatrabaho para mabili ang kaniyang litrato.

My number two client was a housekeeper. Si Klarius din. Suma-sideline rin pala ito bilang janitor ng kompanyang pinagtatrabahuan niya para mabayaran ang mga litrato.

Ganoon din ang huli na isang cashier. Si Klarius din na nagtatrabaho bilang isang part-time tindero ng canteen sa kompanya nila.

Nanlumo ako sa kinatatayuan. Habang siya, ngumiti sa akin.

"It's okay, love. You don't have to feel guilty. Alam mong mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para sa'yo..."

"Klarius..."

"Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka sa akin at hindi mo pagsisihang pinakasalan mo ako. Kahit pa..."

Saglit siyang napatigil sa pagsasalita. Tumingin siya sa akin habang malungkot ang mga mata.

"Kahit pa ang kapalit noon...ay ang dignidad ko bilang isang lalaki."

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon