SALAMAT SA HOTDOG NI CRUSH

415 9 0
                                    

"Ha?", tanong ni Ryzhen sa akin.

"Ha? Hakdog", sagot ko naman. Kanina pa ako nagkukwento sa kanya pero hindi naman pala siya nakikinig.

Napakamot siya ng buhok. "Pasensiya na. Late na kasi akong natulog kagabi"

"At sino namang pinagpuyatan mo? Hindi kana nga marunong magcrushback, nambababae ka pa", feeling jowa lang ako.

"Ha?", sagot na naman niya na mukhang kakabalik lang sa wisyo niya.

"Ha? Hakdog", sagot ko ulit.

"Gusto mo ng hotdog? Wait, ibibili kita", sagot niya bago nagmamadaling pumunta sa canteen.

Habang hinihintay ko siyang bumalik, dalawang babae ang lumapit sa akin.

"Ikaw ba ang girlfriend ni Ryzhen?", tanong nung isa.

Napataas ako ng kilay.

"At sino pa ba? Ako nga ang girlfriend niya, bakit?", sagot ko.

"Talaga ba? Sa pagkakaalam ko, hindi tulad mo ang tipo niya", sabad naman nung isa.

"Aba! Bakit hindi nalang siya ang tanungin niyo?", sagot ko kahit kinakabahan na ako kung paano ko ba lulusutan to.

Nang makita kong pabalik na si Ryzhen, mas lalo akong kinabahan.

"Ahm bakit? Sino sila?", nagtatanong itong tumingin sa akin.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Tinatanong nila kung akin daw ba yung hotdog na dala mo", palusot ko.

Kunwari akong tumingin ng masama sa dalawa. Sana talaga lutang pa siya.

"Totoo ba?", hindi na nakatiis na tanong ng isa.

"Ahm oo bakit? May problema ba?", sagot niya.

Mukhang napahiya naman ang dalawa kaya hindi na nakasagot.

"Yaan mo na sila Ryzhen. Inggit lang sila sa hotdog ko", sabi ko pa.

"Ha?", lutang talaga.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon