BINALEWALA NGAYONG UNDAS

591 17 0
                                    


"Ikaw na pala, ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko", napatitig ako sa kanya nang magsimula itong kumanta.

May pa-free live band kasi si Mayor sa plaza ngayong araw ng undas kaya maraming tao.

Nakita kong nakapikit ito na para bang damang-dama nito ang kanta. Hindi alintana na cute siya, matangkad na payat.

"Anong name niya?", rinig kong bulungan ng mga katabi ko.

"Rome yata", sagot naman n'ong isa.

"Pakisabi na lang na 'wag nang mag-alala at okay lang ako" ,tuloy lang ito sa pagkanta.

"Balita ko, binasted daw siya n'ong nililigawan niya noong high school"

"Talaga? Ang choosy naman ni ate girl", bulungan pa ng mga tao, mga chismosa talaga.

Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nila. Tumitig lang ako kay Rome.

"Kung ako siguro niligawan mo, 5 minutes lang sasagutin na kita", bulong ko sa sarili ko. Napatawa ako ng mapakla.

Nagulat na lamang ako nang magmulat ng mata ang lalaki at saktong napatitig sa akin. Nagtaka ako ng makitang gulat na gulat siya pero kaagad ding nagseryoso.

"6 years and I'm still in love with you. Fucking 6 years and I'm still in love with you, Aster", seryosong sabi nito na ikinahiyaw ng mga manonood.

"Sabi nga ng iba, kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo. Hahayaan mo na mamaalam, hahayaan mo na lumisan", tuloy niya na hindi alintana ang sigaw ng mga tao.

"Tandaan mo ito Aster, sa oras na magkita tayo ulit, hindi na kita papakawalan pa", tanda ko pa.

Kasabay ng pagdaan ng bulalakaw, binitawan niya ang kamay ko.

Rome Martinez. Siya pala 'yun. Siya 'yung nerd na palaging nag-iiwan ng mga tula sa locker ko. Siya yung laging nagdededicate ng kanta sa akin every Valentine's day. Siya yung nandiyan para sa akin kahit ilang beses ko ng tinataboy.

6 years ago, siya yung lalaking inayawan ko kasi akala ko hindi siya tulad ng mga lalaking pinangarap ko.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon