PART 2
"Huwag n'yo na akong tutuksuhin sa iba, maliwanag?"
Nagsitanguan sila pero na kay Angeline pa rin ang tingin. Mayroong nakatingin na hindi makapaniwala, mayroong naiinggit at marami ang naguguluhan.
Sabagay, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung minsan. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ko sa kanya. Hindi naman siya kagandahan, hindi rin siya maputi at katamtaman lang din ang talino niya pero nararamdaman ko, mayroong iba sa kan'ya na hindi ko makita sa iba.
Pagmamahal.
Napapangiti ako sa naisip ko. Nababaliw na nga yata ako.
Naalala kong namula siya kanina habang kausap ako. Nararamdaman kaya niya ang tibok ng puso ko habang kausap ko siya?
Ayon sa nabasa ko, karaniwan daw na namumula ang babae kapag nasa harap nila 'yong gusto nilang lalaki. Nakakaramdam din sila ng kaba at nagkakaroon ng paru-paru sa tiyan nila.
Ganon kaya yung naramdaman niya habang kausap niya ako kanina?
"Ma, order tayo ng egg pie! Ako magbabayad."
Agad kong kinuha ang cellphone at nag-dial. But she didn't answer my calls and even my texts. Wala akong anumang sagot na nakuha mula sa kanya. Binisita ko rin ang mga social media account niya, wala ring bagong posts mula sa kanya.
Marami kaya siyang ginagawa?
"Limang egg pie nga po." Si manang Soli ang nagtitinda ngayon. Kanina ko pa siya hinahanap pero mukhang wala nga talaga siya.
"35 pesos, hijo."
Narinig ko kaagad ang kantiyawan ng mga kasama ko habang papalapit ako at may dalang egg pie.
"Nagayuma ka yata ng egg pie ni Angeline e!," tukso ng isa.
"Ano bang lasa niyan? Lasang Angeline ba?," si Ark naman ngayon.
Napatingin ako sa kanila. Malungkot akong umupo at inumpisahang kumain ng egg pie.
"Wala si Angeline ngayon."
Napahalakhak sila sa sinabi ko. Mas lalo pang napuno ng tukso ang buong mesa kaya sa huli, hindi na kami nakakakain ng maayos.
Hanggang uwian, hindi ko nakita si Angeline. Wala tuloy akong ganang sumama sa barkada dahil paniguradong tutuksuhin lang nila ako.
Sumubok akong tumawag ulit sa kan'ya pero nakapatay pa rin ang cellphone niya. Nagpapa-order pa man din si mama ng egg pie.
Buong gabi akong hindi nakatulog, kakaisip sa kan'ya. Pumunta ako sa room niya kanina at narinig kong wala naman pala silang pinapasa ngayon. Absent din siya kanina at wala man lang pumunta para magbigay ng excuse letter.
"Manang, bakit po hindi ko matawagan 'yung isa n'yong nagtitinda? Nagpapa-order po kasi si mama. "
Napaangat siya ng tingin sa akin.
"Busy 'yon sa ibang bagay, hijo. Mabuti pa, kuhanin mo na lang ang number ko. Libre ang oras ko, buong magdamag," nangingiting sagot niya.
Ngumiti na lang din ako pabalik bago nagmamadaling umalis.
"Si Angeline!"
Napatingin ako sa itinuro nilang direksyon. Sinamaan ko sila ng tingin nang wala akong makitang Angeline. Malakas silang nagtawanan dahilan para makaagaw ng pansin sa iba pang kumakain. Mas lalo tuloy akong nainis.
"Hunter! Sa'n ka pupunta?," sigaw ng isa.
Hindi ako lumingon. "Kung saan wala kayo."
Pumunta ako sa garden ng campus. Medyo tagong parte iyon kaya hindi masyadong pinupuntahan ng ibang estudyante. Padabog akong umupo sa damuhan, masama ang loob. Dalawang araw na hindi ko siya nakikita. Hindi kaya alam na n'ya? Sa sobrang dami na ng nakakaalam, imposibleng walang nakapagsabi sa kan'ya. Iniiwasan n'ya ba ako?
Pagsapit ng lunes, wala akong ganang pumasok. Diretso akong naglalakad sa hallway habang nakasalpak ang earpones sa magkabilang tenga. Hindi tulad ng kinasanayan, hindi yata ako pinagtitinginan ng mga estudyante ngayon. Nagtaka ako at lumingon sa iba. Lahat sila nakatingin sa likuran ko.
"Si Angeline ba 'yan?"
"Hindi yata."
"Oo nga, hindi naman siya gan'yan kaganda."
I was stunned. I couldn't manage to utter any word. Napako ako sa kinatatayuan, hindi makagalaw.
Walang lingong nilampasan ako nito habang tutok sa kan'yang telepono. Naiwan akong tulala at nakatingin lang sa likod niya.
Si Angeline. Nakasuot ito ng palda ngayon, hindi tulad ng nakasanayang pantalon. Pantay na pantay ang unat nitong buhok at kapansin-pansin din ang mukha nitong bahagyang inayusan ng kolorete.
Naging usap-usapan ang pagbabago kay Angeline hanggang dumating ang lunch break. Marami rin ang nakapila sa stall ng egg pie, hindi tulad ng dati na walang pila.
"Pinaghandaan ka yata ni Angeline mo? Biglang nag-ayos at nagpaganda," mag-uumpisa na naman sila sa panunukso. Hindi nalang ako sumagot para hindi na humaba pa ang usapan.
"Bibili lang ako ng egg pie," pagpapaalam ko.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagpapalitan nila ng tingin at ngisi sa isa't isa. Napailing nalang ako.
"Limang egg pie," si Angeline ang nagbebenta.
Hindi ko maiwasang tingnan siya ng bahagya. Bagay sa kan'ya ang suot na palda at ayos ng buhok niya. Pumares din ang kulay ng labi niya sa maliit na hugis nito. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti kaya ngumuso ako para hindi mahalata.
Nahuli niya akong nakatingin sa kan'ya. "M-may problema ba?"
Napalinga ako sa bandang kinaroroonan ng mesa namin at nakita kong lahat sila, nakasunod ng tingin sa amin. Sabay-sabay na itinaas ang kaliwang kamay para sa isang thumbs up. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Wala," tipid kong sagot sa kan'ya na nakatingin pa rin sa akin ngayon.
Tumango ito, dismayado sa sagot ko. O baka hindi naman at umaasa lang ako.
Kinuha ko ang egg pie at nagbayad.
"May bibilhin ka pa?," siya.
Napakamot ako ng batok. "Ahm, kasi----"
Hindi ko natapos ang sasabihin. Bigla kasing dumating si manang Soli na hawak ang telepono ni Angeline.
"Ange, kanina pa tumutunog itong telepono mo. Si Ronnel pala. Sagutin mo na baka may importanteng sasabihin."
Kinuha niya ang telepono at umalis para sagutin ito. Naiwan kami ni manang Soli na nakatingin sa papalayong dalaga.
"May kailangan ka pa ba, hijo?," si manang Soli.
"Sino po si Ronnel?," hindi ko mapigilang itanong.
Napatawa naman ito ng bahagya sa tanong ko.
"Si Ronnel ba? Madalas siyang pumupunta rito para bisitahin si Ange. Hula ko nga'y magkasintahan ang dalawa pero nahihiya lamang sabihin sa akin. Magkasama pa lamang sila ng dalawang araw, tumatawag na naman. Ang mga kabataan talaga ngayon........"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni manang. Isa lamang ang pumapasok sa isip ko.
"Hula ko nga'y magkasintahan ang dalawa......"
"Hula ko nga'y magkasintahan ang dalawa......"
"Hula ko nga'y magkasintahan ang dalawa......."
Wala ako sa sariling bumalik sa mesa. Nagsitahimik naman ang mga kasama ko, naghihintay siguro sa sasabihin ko. Isa-isa ko silang tiningnan. Buo na ang loob ko.
"Aagawin ko si Angeline sa boyfriend niya."