I AM A CROSS ROLE PLAYER (HER SIDE)

410 13 0
                                    


Nabisto ko na siya.

I'm always reporting Kael's account, kasi naiinis ako sa mga babaeng lumalandi sa kan'ya. Like, hindi ba nila makita na may girlfriend na siya?

So I tried breaking up with him para marealize niya kung gaano niya ako kamahal. Then, there's Naih Writes who always leave a comment on his posts. Masyadong papansin at nilalandi si Kael ko. So I used my dummy account para landiin siya at mawala sa landas ni Kael.

Then, I found out that,

Si Kael pala at si Naih Writes ay iisa. Kael is my boyfriend, ex na pala kasi hindi pa ako nakikipagbalikan sa kan'ya. Nalaman ko sa kapatid niya na mayroon pala siyang dummy account and Naih Writes nga daw ang pangalan.

I admit, nainis ako dahil naloko niya ako roon pero lintik lang ang walang ganti.

Since, ngayon ang 7th monthsary namin at dahil ako ang lalaki 'kuno' sa aming dalawa syempre ako ang mag-eefort.

Ginawan ko siya ng pagkahaba-habang sweet message na sa totoo lang, gigil na gigil ako habang gumagawa.

Nag-edit din ako ng couple dp namin na sinadya kong pinangitan siya ro'n.

Nagsend pa ako ng vm kuno ng favorite song niya na pinarecord ko lang sa pinsan kong lalaki.

Heto namang si mokong, tuwang-tuwa pa halatang kinikilig sa akin. Kaya lang nagalit siya no'ng sinend ko yung vm, siguro selos na selos kung kanino ko pinarecord 'yon.

Kinagabihan, sinimulan ko na ang plano ko.

Baby Nathan: Hi baby!

Naih Baby: Hello baby ko!

S'yempre kumustahan muna tsaka tanungan kung kumain na ba, pa-fall kaming dalawa eh.

Baby Nathan: Alam mo ba baby na may kasintahan ako sa real world dati pero nakipag-break ako.

Panimula kong chat 'yan sa kanya. Ilang minuto lang nagreply na siya.

Naih Baby: Bakit ka nakipag-break?

Curious na siya.

Baby Nathan: Sabi ko sa kan'ya na may mahal na akong iba kaya ako nakikipaghiwalay pero....

Hindi ko muna sinabi agad para mabitin siya at hindi masyadong halata.

Naih Baby: Pero???

Here it goes.

Baby Nathan: Nalaman ko kasing may sakit ako. Anemic na kasi ako dati pa pero lagi pa rin akong nagpupuyat dahil christmas break.naman kaso nagpatingin ako last week nalaman kong umabot na pala sa Leukemia. Mamamatay na ako baby! Hindi ko alam kung magagamot pa ito.

I chatted him with matching crying emojis pa.

Sabik kong hinintay ang sagot niya pero nadismaya ako ng makitang nag-out na siya. Hindi man lang ako hinintaysa kung ano ang sasabihin ko!

Ilang sandal lang, may narinig akong ingay. Dumungaw ako sa bintana ng kwarto ko at nakitang inaakyat ni Kael ang gate namin. Ngayon, sa bintana ko naman siya umaakyat.

"Anong ginagawa mo rito?!," sigaw ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?," frustrated na tanong niya. Napasabunot pa siya sa kan'yang buhok at mukhang naiiyak na

"Ang alin?," kunwari inosenteng tanong ko dahil hindi ko naman talaga alam ang sinasabi niya, kaya lang tiningnan niya ako ng masama.

"Stop pretending! Alam ko nang may sakit ka! Kaya ka ba nakipag-break sa akin? Dapat sinabi mo sa akin para alam ko at matulungan kita sa sakit mo," paghihinakit pa niya.

Hindi ko na napigilan, humalakhak na ako ng todo. Hawak ko ang tiyan at hindi makasagot sa kan'ya.

"W-wala akong s-sakit," utal-utal kong sagot dahil sa kakatawa.

"Wait, what? I thought..," hindi na niya naituloy ang sasabihin nang marealize siguro ang ginawa ko.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ka ngayon, Kael? Huling-huli ka na balbon!"

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon