He can't love me. Why? Because I was the third party.
Tahimik akong pumasok sa kwarto naming dalawa. Iniwan ko sa baba ang asawa, abala sa pakikipag-usap sa isang katrabaho.
With our three years of marriage, we still don't have a child. Though, we did it already. Maraming beses pa nga sa loob ng mga taong 'yon pero hindi talaga kami makabuo.
I love my husband so much. Sa sobrang pagmamahal ko sa kan'ya, nagawa kong agawin siya sa karelasyon nito noon, ang kaibigan ko. Yes, I was the third party. Hindi ko pinagsisisihan 'yon, mahal ko siya eh.
Kaya nga laking tuwa ko nang alukin niya ako ng kasal, sa harap mismo ng kaibigan ko. Mukhang wala naman itong problema roon, pumunta pa nga siya sa kasal namin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa kama nang biglang nag-message sa akin ang kaibigan ko. Mag-online raw ako dahil may ipapabasa raw ito sa akin. Sinunod ko ito at sumalubong sa akin ang mga notification galing sa kaibigan. Puro mention iyon sa isang page. It was a confession page. Matagal na ang post, siguro ay lampas isang taon na.
My Ex's Man, iyan ang codename ng sender. Mukhang isa na naman ito sa mga taong hindi maka-move on sa mga ex.
Binasa ko ang confession nito.
Kasal na ako ngayon sa kaibigan ng ex ko.
Ang totoo, niloko ko siya at ang asawa ko ang third party. Masyado kasi siyang pa-hard to get noon, hindi tulad ng kaibigan niya na pina-iskor ako kaagad.
Mula elementary, magkasama na kami ng ex ko. Saka ko lang nakilala itong isa noong patapos na ng college. Masyado kasing career-oriented si ex, mukhang sa edad kwarenta pa ako papakasalan.
Aaminin ko, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Siguro, nabulag lang ako ng tawag ng laman noon kaya ko pinatulan ang kaibigan niya. Akala ko, makakamove-on din ako kaagad noong umalis siya, apat na taon ang lumipas mula noong magloko kami. Pero, hindi pala. Noong nalaman kong nakabalik na siya at nakita ko siya ulit, nagbalak akong ligawan siya ulit at iwan 'yong kaibigan niya.
May pakiramdam kasi ako noon na tulad ko, mahal pa rin niya ako. Na may pag-asang maging kami pa ulit. Kaya ang ginawa ko, pinagselos ko siya gamit ang kaibigan niya, na asawa ko ngayon. Hindi ko sinabi sa asawa ko ang plano ko, basta nagpanggap lang ako na mahal ko siya kahit hindi naman talaga. Naniwala naman ang tanga, patay na patay kasi sa akin.
Ilang buwan ang lumipas, nakikita kong umaayon naman sa plano ko ang sitwasyon. Naiinis ito kapag sobrang sweet ko sa kaibigan niya, wagas itong makangiti kapag nilalandi ko siya at higit sa lahat, dinadamayan ako nito kapag may pekeng pagtatalo kami ng kaibigan niya. Pakiramdam ko ay kapag inaya ko siya ulit ay hindi siya tututol.
Para tapusin ang plano ko, nagpropose ako sa kaibigan niya. Syempre, peke lang 'yon. Kaibigan lang ang imbitado para madaling umatras kapag nagtagumpay ang plano ko. Ginawa ko 'yon, sa harap niya mismo. Akala ko noon ay magagalit siya pero nagkamali ako. Isa pa nga ito sa mga nakikisigaw ng 'yes'. At noong tinanggap na ng kaibigan niya ang singsing, lumapit ito sa kan'ya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi nito.
"Finally, congratulations! Invited kami ng asawa ko, ah?"
Saka ko lang nalaman na kasal na pala ito, mag-iisang taon na. That time, gusto kong umatras, umalis at lumayo. Kaya lang ay nalaman na ng mga magulang ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang magpakasal sa kaibigan niya.
Honestly, I regret marrying her. She's not a wife material to me. I don't love her. I only need her body, that's all. Patago rin akong bumibili ng babae para pasayahin ako ng isang gabi.
Wala pa ngang isang taon kaming kasal, gusto ko ng kumalas. Hinihintay ko na lang na ito mismo ang makipag-hiwalay sa akin para sa kan'ya ang sisi. Kaya lang, masyadong makapit sa akin. Pinapainom ko nga rin pala siya ng contraceptives tuwing gabi, mahirap na baka mabuntis ko siya. Wala na akong kawala no'n. Inihahalo ko iyon sa gatas niya para hindi malasahan. Natatawa na lang ako kasi akala pa niya ay sweet ako.
Babalitaan ko na lang kayo kapag hiwalay na kami.
Doon, natapos ang confession niya. Hindi ko namalayang habang nagbabasa, hawak ko na pala ang dibdib dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ako umiiyak, siguro ay namanhid na sa sobrang sakit.
Nabitawan ko ang telepono nang bigla siyang pumasok. Tulad ng dati, may dala itong isang baso ng gatas. Kung noon ay ngingiti pa ako, ngayon ay parang gusto kong itapon sa kan'ya ang laman no'n.
Pinigilan ko ang sarili. Kapag ginawa ko 'yon, mawawala siya sa akin. Natatakot ako, ayokong mangyari iyon.
Pilit akong ngumiti sa kan'ya. Inilapag niya ang baso sa mesang nasa tabi ko.
"Uminom kana ng gatas. Iwan mo na lang diyan. Matutulog na ako."
Tinanguhan ko siya. Pinanood ko ang paghiga nito sa kama at ang pagtabon nito ng kumot sa katawan. Tumalikod ito sa akin. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang baso. Tinitigan ko ang gatas bago siya binalingan.
I sighed heavily. If drinking this milk will make him stay, I will do it. Mabilis kong ininom ang gatas saka inilapag iyon sa mesa. Pagkatapos ay tinabihan ko siya sa kama.
I hugged him before kissing his cheeks. Malalim na ang paghinga nito, tanda na mahimbing na ang tulog niya.
"I'm sorry pero hindi ko kayang bitawan ka. Kakapit pa rin ako sa'yo. Kahit pilit, kahit puro pagpapanggap."
One of the essence of a woman is to bear a child. Pero, kung papipiliin ako, pipiliin ko na lang na huwag maging babae. Saka na lang, kapag mahal mo na ako.
Saka na lang kapag ako na ang una sa puso mo.