MAGKABILANG MUNDO

385 10 0
                                    


"Good morning baby", masiglang bati ko. 7:00 na ng umaga at tinawagan ko siya via messenger.

"Good evening baby", antok na sabi niya.

"Anong oras na diyan baby?"

"9:00 na baby. Masaya yata ang baby ko ah?", natatawang sabi niya.

Elementary sweethearts kami ni Alonzo. Grade 10 kami nang niligawan niya ako at naging kami noong graduation ng high school. During college, hindi naging madali ang relasyon namin dahil pareho kaming busy sa studies namin. Pero sa 4 years na relasyon, masasabi kong hindi kami nagloko.

Ngayon nga ay nasa US siya bilang Neurosurgeon sa isang kilalang hospital habang ako naman ay teacher sa isang pampublikong paaralan. Sabado ngayon kaya naisipan ko siyang tawagan.

"Maya nalang ulit kita tawagan baby. Tulog ka muna, wala ka pa yatang tulog e. Good night baby. Mwahhh"

"Sige baby. Eat your breakfast okay? I love you mwahhh"

Yun ang huling pag-uusap namin dahil matapos noon ay hindi ko na siya macontact. Tambak na rin ang mga messages ko sa kanya. Nakibalita na rin ako sa parents niya pero minsan lang daw ito tumawag every week.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Ilang minuto rin ang nakalipas bago niya sinagot.

"Baby! Anong nangyari sayo?", panimula ko.

"Hello. Who's this? What are you saying?", sagot ng kabilang linya. Boses ng babae.

"Where' s Alonzo? Why are you using his phone?"

"Oh he's not here. Xenon is at work"

Xenon? Wow second name basis ah. What the heck!

"Who are you?", naiiritang nang sabi ko.

"I'm his baby", at malanding tumawa.

"Manloloko! Walang hiya kayo! Malandi ka! Makati! Pakisabi diyan sa amo mo, break na kami! Gago siya!"

Sigaw ko pa bago pinatay ang tawag. After that call, hindi na ako nagparamdam pa sa kanya kahit na sobrang pangungulit niya sa akin through calls and messages. Nag iba na lang ako ng cellphone number para di na niya ako macontact. I also block him on my social media accounts. Hindi ko na siya kinonpronta tungkol sa panloloko niya sa akin.

"Anak! Halika nga dito sa baba", my mom.

Dali-dali akong bumaba at nagpunta sa sala.

"Ma bakit ----"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko sa pagkabigla. Nakatayo si Alonzo sa sala habang nakatingin sa akin. May bitbit pa itong maleta na para bang kakagaling lang niya sa airport at dumiretso na rito.

"Cath please, can we talk?"

Napangisi naman ako. "About what? Sa panloloko mo?"

"What?! Hindi kita niloko! Ikaw nga itong hindi na nagparamdam sa akin. You're not answering my calls and messages. Di na kita macontact. What happened to you?"

Lumapit ako sa kanya. "Ako pa ngayon? Niloko mo ako! Idedeny mo pa?!"

"Baby, ano bang sinasabi mo?"

"Tumawag ako sayo. Babae ang sumagot. Alam mo kung anong sinabi niya? Baby mo daw siya!"

Sa sobrang galit ko, pinaghahampas at sinampal ko siya. Hinayaan lang niya akong gawin yon hanggang sa mapagod ako.

"Anong mali sa akin? May pagkukulang ba ako?", umiiyak na tanong ko.

"Baby no! Walang ganon! You didn't ask me about this. Wala akong babae. Maybe yung secretary ko lang yon but I already fired her. Please maniwala ka sa akin", he said then hugged me.

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap niya ako.

"Don't cry please baby. I'm sorry"

"Sorry din. Akala ko kasi e!" nakangusong sagot ko. Natawa naman siya.

"It's okay baby. I know this is not the right time but will you promise na kahit na anong mangyari di mo ako iiwan? That we will always settle things between us at walang bibitaw?"

"Yes baby!"

"I will love you baby no matter what happen. Can you do that also?" Napatango naman ako.

"Yes baby!"

"Will you marry me?"

"Yes baby!" Agad naman akong napatakip ng bibig ng marealize iyon.

Being far from our loveones is not a hindrance for a strong relationship. And mostly, this is not a reason to cheat.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon