"Get one whole sheet of paper. Isa lang, dapat loyal ka," I heard my teacher said.
Nakita kong napahagikgik ang mga kaklase ko.
"Wala rin manghihingi ng papel sa katabi. Hindi kayo nag-aral para matutong humingi ng papel sa buhay ng iba," dugtong pa niya.
Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya. Kahit kailan talaga si Sir Mikko! Kaya nga paborito mo siya, hindi kasi boring sa klase niya kahit pa may quiz araw-araw.
"Pst pahingi ng papel,"pasimple kong bulong kay Andrei, kaklase ko.
Nagulat kaming pareho nang biglang magsalita si Sir.
"Ano 'yan? May sariling mundo na kayo? 'Di na kami kasali rito?"
Malakas na naghiyawan ang mga kaklase ko na ikinapula ko.
Napaayos ako ng upo at yumuko naman si Andrei. Napilitan tuloy akong maglabas ng papel.
"Answer the following questions on the board. No cheating!," istriktong sabi pa nito bago tumingin ng matalim sa akin.
Feeling strict talaga si Sir kahit kailan.
"Andrei, paano mo nakuha 'yong answer sa number 2?," pasimple kong tanong.
"Multiply mo lang tapos i add mo 'yong---"
"I said no cheating! Dahil lang wala sayo 'yong atensyon niya, titingin ka na sa iba?!," sigaw nito. Paktay! Nahuli kami.
"Sorry sir," sabay naming sabi at nagpokus na sa pagsagot.
Maya-maya pa, pinapapasa na niya ang mga papel at uwian na.
"Ms. Alcaraz, maiwan ka rito mamaya. Mag-uusap tayo."
Napasimangot ako. Napasulyap ako kay Andrei at nakitang nakatingin siya sa akin. Nginitian ko siya at sinenyasang mauna na.
Samantala, nakatayo ako ngayon sa harap ng desk ni Sir habang siya, nakaupo at kanina pa nakakunot ang kilay, mukhang iritado.
"Gustong-gusto mo talagang naiisyu ka sa lalaking 'yon," akusa nito sa akin.
"Ang cute mo kasing magselos e," natatawa kong sagot.
Tumalim naman ang tingin nito sa akin.
"Kung ibagsak kaya kita? 74 ang grade mo. Gusto mo ba 'yon baby?"
Ngumiti ako matamis sa kanya. Akala siguro niya, matatakot ako sa kan'ya.
"Madali lang din naman akong kausap. Ipapasa mo ako o ibi-break kita? Pili ka, baby," sagot ko.
Napanguso siya. Matagal bago ito nakasagot.
"Sabi ko nga, 94 ka eh."